𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 89: Jofer and Nova

405 9 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

*****Jenas

"Bakit kasi kailangan sa Bus pa tayo sumakay eh" reklamo ni Mhar at humikab. Nakatambay kami ngayon sa cafeteria ng school namin. Alas kwatro pa lang ng madaling araw pero bukas ang buong school at maraming mga graduating students ang nakatambay sa loob ng campus. Hinihintay namin ang pag dating ng mga inupahang bus para sakyan ng mga estudyante per course papunta sa Oaisis Resort kung saan gaganapin ang aming Immersion.

"Para daw Bonding ng magkakaklase" sagot ni Zaolo, kumamot sya sa ulo nya at yumuko sa mesa

"Kape guys?" pag aaya ni Nova bitbit ang kape na naka cup. Napatingin ako  kay Jofer nang biglang nag iba ang kilos nya nang makita nya si Nova na lumapit. Agad syang tumayo at hinila ang isang upuan palapit sa inuupuan nya.

"Dito ka umupo Nova" seryosong aya ni Jofer, Parang gusto kong humagalpak ng tawa nang natigilan silang dalawa habang nakatitig sa isa't isa at nakanganga si Nova. Kung hindi lang natutulog si Cerrah habang naka sandal ang ulo nya sa dibdib ko ay aasarin ko yung dalawa.

"Kayo na?" biglang tanong ni Zaolo. Panira ng moment tong si Zaolo.

"Babakuran ko na baka masulot pa ng iba" sumandal sa inuupuan si Jofer at inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo nya na tila ginawang unan at tumingin kay Nova. Si Nova naman ay nakatayo lang, namumula sa hiya at di makakilos sa kinatatayuan.

"Upo na Nova" kinikilig na utos ni Jhec habang sina Yvone, Khim at Hazel ay vini videohan sina Jofer at Nova. Sina Mhar at Zaolo naman ay ngiting wagi sa nasasaksihan. Tinapik tapik ni Jofer ang upuan na ini offer nya kay Nova.

"Upo na" utos ni Jofer, napalunok ng malalim si Nova sapat para marinig naming lahat kaya nagtawanan kami

"Paanong hindi matatakot si Nova mukha kang Maniac sa ginagawa mo" biro ni Mhar, ngumisi lang si Jofer

"Why are you laughing?" Tanong sakin ni Babe

"Ginagayuma kasi ni Jofer si Nova, Babe" bulong ko sa kanya sabay halik sa nuo nya. Tumingin si Cerrah kay Jofer

"I can't believe na makakagawa ka ng bagay na ganyan Jofer" biro ni Cerrah. Biglang umayos ng upo si Jofer

"Ahm, guys" mahinang wika ni Nova kaya nabaling ang tingin namin sa kanya "Du- dun muna ako okay?" nauutal na paalam nya sabay turo sa lugar na hindi matao. Nang tumalikod sya ay tumayo si Jofer

"Samahan na kita" wika ni Jofer. Natigilan si Nova sa paglalakad

"Jofer, manhid ka? Nova needs space to think dahil sa ginawa mo tapos bubuntot ka pa? inutil" sabat ni Ivy

"Let Nova absorb the chilling energy you gave to her" biro ni Khim

"Sige na Nova take your time" mahinahong wika ni Yvone. Sinundan namin ng tingin si Nova hanggang sa umupo sya sa isang bench na di naman kalayuan samin.

"Bakit ang hilig nyong mga girls sa space?" bagot na tanong ni Jofer at padabog na umupo sa inuupuan nya "Astronaut ba kayo?" tinitigan nya si Nova, napapansin din naming napapati gin sa amin si Nova pero iniiwas nya ang tingin nya kapag magtatama sila ng mata ni Jofer kaya hinampas ko ng cap si Jofer

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon