𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 64: Boss

378 14 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** Jenas

KINABUKASAN

Habang nasa hapag kainan kami hiwalay sa hapang kainan ng mga adults ay nagkukwentuhan ang mga girls tungkol sa nangyari sa kanila kagabi.

"Totoo ba yang sinasabi nyo? baka pinag lololoko nyo lang ako ah" di makapaniwalang tanong ni Cerrah

"Oo totoo yun! may mga naninilip samin kagabi" sagot ni Mierr

"Naku kung nahuli namin yun, dudukutin ko ang mata nya with my bare hands!" inis na sabat ni Sapphira at itinaas ang kamao habang ina act kung paano nya dukitin ang mata ng namboso sa kanila. Nakatingin ako sa mga pinsan ko at mga kapatid habang pinipisat ang kalamansi na gagawin kong pang asim sa sasawsawan kong toyo. Di ko alam kung matatawa ako sa pang gigigil nila sa namboso sa kanila kagabi, medyo may hinala akong yung apat kong room mates ang tinutukoy nila, heh! di naman ako pinanganak kahapon, knowing nag punta sila sa ilog at umuwing pawisan at tila taranta.

"Manakit sana ang mata ng namboso satin kagabi no?" patanong na wika ni Alyza, di ko sinasadyang malakasan ang pag pisat sa kalamansi dahilan para tumalsik ito sa mata ni Eugene.

"Aray kooo!" agad napahawak sa mata si Eugene, kung ang mga girls ay nataranta sa nangyari sa mata ni kolokoy ay kabaliktaran naman sa akin dahil natawa talaga ako, mukhang tadhana na ang nagawa ng paraan para mahuli ang mamboboso hahah!

***** Cerrah

Hindi parin makalimutan ng mga girls yung Mystery Mamboboso nila kagabi, Mabuti nalang at hindi ako sumama 🤣🤣 ligtas!!. Habang nakatanaw si Aiola sa terrace ay nagulat sya nang biglang dumungaw sa tabi nya si Mierr

"Hala uulan!" sigaw ni Mierr "Nakita mo yon ate A?!" tanong ni Mierr, Kahit hindi na teenager na si Mierr ay may pagka tweetums sya lya "Masaya kayang mag stroll kapag malakas ang ulan" napatingin si Aiola sa pinsan nya

"Delikado yun Mierr" sagot ni Aiola

"Minsan lang to ate" sagot ni Mierr "Ano stroll tayo ah!" sasagot na sana si Aiola pero napadungaw sya sa ibaba ng terrace

"May bisita ba sila Daddy?" tanong ni Aiola

"Ha?" tanong ni Mierr "Tayo tayo lang naman ang alam ko"

"Sino yun?" tanong nito at tinuro ang kotse, napatingin si Mierr sa direksyon ng daliri nya, tila nagulat si Mierr sa nakita nya

"Teka? kotse ni Athrone yun ah!" nagtatakang wika ni Mierr "Si Athrone nga! anong ginagawa nun dito?" Nag si dungaw kami sa terrace para maki usyoso

"Ewan ko" sagot ni Aiola "Sya yung ex BF mo?"

"Hindi ah" nakangusong sagot ni Mierr "Kung pinatulan nya ako dati sana BF ko na sya kaso ayaw nya sakin kasi bata pa daw ako"

"Ngayon dalaga ka na" tila inaasar ko si Mierr, namula sya sa hiya

"May GF na sya" wika nya "Wait lang ate bababa lang ako at tatanungin kung bakit nandito boss ko" iniwan akong bigla ni Mierr.

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon