🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸***** JENAS
Nang nakababa na kami ng 3rd floor ay nag senyas ako kay Cerrah
"Shhh" pag hush ko sa kanya "lower your body" bulong ko at sumilip ako sa corridor kung walang tao "Follow me" bulong ko. Bawat room sa buong floor namin ay may tig da-dalawang pinto, isa sa harap at isa sa bandang likuran para in case of emergency ay maiwasan ang siksikan sa paglabas ng mga estudyante, Pang tatlong room kami ibig sabihin ay nasa pang lima at pang anim na pinto ang room namin, ang desk ng professor namin ay nasa bandang front door kaya kung sakaling lalabas sya ay gagamitin nya ang pintong mas malapit sa kanya kaya kailangan naming mag abang ni Cerrah sa backdoor para kung sakaling lalabas ang prof namin ay syang pasok naman namin sa room, para maiwasan ang magtatama ng landas namin, bukod duon ay maiiwasan din na makita kami ng ibang prof na lalabas sa sa ibang room.
Nakayuko kaming dumaan sa unang room, sinigurado naming halos gumapang na kami para walang makakita sa amin Sana lang ay walang makakita sa amin kung hindi pagbibintangan kaming nag cutting at kapag sinabi namin ang dahilan kung bakit mukha kaming yagit ni Cerrah ay iisipin nilang kami ang sumira ng pinto ng garden in the sky kapag may nakapansin sa rooftop.
"One down" bulong ni Cerrah nang makalagpas kami sa unang room
"Shhh" bulong ko at nagsimula ulit kaming gumapang, nang malampasan namin ang ikalawang room ay dumiretso kami sa backdoor ng room namin at umupo muna, hihintayin naming mag bell.
ღ(¯'◕‿◕'¯) ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ (¯'◕‿◕'¯)ღ
After 15 minutes
riiinnnggggg! tumunog na ang bell,
"Mag ready ka na" bulong ko, umupo kami na tipong mabilis kaming makakatayo. Nang makita kong bumukas ang pinto ng frontdoor at palabas ang prof namin ay mabilis kong hinila patayo si Cerra kaya bago pa maisara ng guro namin ang hawak nyang pinto ay nakapasok na kami ni Cerrah sa backdoor. Halos sabay na tumunog ang pagsara ng pinto ng front at backdoor.Nagtinginan sa amin lahat ng mga classmate namin
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Czacarly, natatawa ang mga classmate namin sa itsura namin ni Cerrah
"Oh my gosh C.E what happened to you?" tanong ni Jhec nang makalapit kay Cerrah
"Ang gulo ng buhok mo" sita ni Hazel. Tumakbo si Yvone bitbit ang suklay at panyo
"Anong ginawa mo kay Cerrah Jane BuenaVista?" tanong ni Nova
"Grabe kumpleto talaga ang pangalan ko" bulong ni Cerrah
"Mukha ba akong may ginawa jan? tingnan nyo nga ako" reklamo ko at tumingin kina Mhar na nagtatawan habang nakatingin sa amin
"Bakit pawis na pawis kayo?" tanong ni Jofer
"Nabasa kami ng ulan" sagot ko
"Ohw? bakit wala kang uniform na suot?" natatawang tanong ni Mhar. Lumapit ako kay Mhar
"Para makahiram ako ng uniform mo" sagot ko "Akin na yang damit mo" pilit kong kinukuha ang uniform ni Mhar
"Uy Dre! wag ganern!" iwas ni Mhar
"Kasalanan mo kung bakit madumi na ang uniform ko" sagot ko "Akin na yan"
"Si Zaolo ang nag utos sa akin" sagot ni Mhar
"Cerrah totoo ba yung sinasabi ni Mhar?" tanong ni Ivy
"Sabi kasi ni Mhar inutusan daw sya ni Zaolo tapos iniwan nya kami yun pala pina prank lang nya kami" sagot ni Cerrah huh? ang gulo ng paliwanag ni Cerrah, heheh siguro pinipilit nyang wag sabihin yung eksaktong nangyari para hindi kami paghinalaan sa pagsira ng pinto ng rooftop
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
Ficțiune adolescențiBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...