𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 30 : Survey

486 14 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

after 2 weeks

Nag survey about sa ginagawang system ang grupo ni Jenas na kinabibilangan nina Cerrah, Khim, Yvone, Jhec, Hazel, Ivy, Nova, Mhar, Zaolo at Jofer. Lulan sila ng Jeep na pampasahero. Hindi nila gamit ang sasakyan nila dahil sa isang walang ka kwenta kwentang pustahan na napanalunan ni Zaolo. Ang consequence, walang sasakay sa private vehicle sa buong araw na iyon at nagkataong group activity ang survey nila kaya kahit panalo si Zaolo ay kasama syang nag commute. damay damay na to!

ღ(¯'◕‿◕'¯) ♫ ♪ ♫ ♫ ♪ ♫ (¯'◕‿◕'¯)ღ

***** JENAS

Sobrang nakakapagod ang mag commute kasama ang mga isip bata kong ka grupo. Buti nalang at natapos namin ang pagsu survey kaya nagpasya na kaming umuwi. Naghanap kami ng jeep na masasakyan pero pagkasakay namin ay puro kami estudyante sa loob ng jeep at talagang lalo akong na stress sa mga kasakay namin, puro mga makukulit at maiingay na highschool students na tila magkakaklase dahil na occupy nila buong sasakyan na parang super close sa isa't isa,

    "Manong bayad po!" wika ng isang estudyante, kami namang mga college students ay nasa likod ng driver naka upo at bagot na taga abot ng bayad nilang pa isa isa kung mag bigay.

    "Manong isang estudyante nag aaral ng mabuti"

    "Manong bayad isa! Kaka break lang kanina"

    "Manong bayad! Hoy! Abutin nyo! Manong catch!"

    "Manong may ayaw mag bayad oh! Balak yata mag 1,2,3!"

    Nagtitinginan lang kaming magkakaklase at halatang OP na OP! Napansin kong harutan ng harutan ang mga estudyate, merong nag kikilitian, merong nag sasapukan, nag ce cellphone, nag sa soundtrip at kung anu ano pa hanggang sa pagtripan ng mga lalaking highschool si Cerrah

    "Ate ang ganda mo" wika nila. Hindi sila pinapansin ni Cerrah "Ate anong pangalan mo?"

    "Ayyyiiieee" asar ng iba. Mula sa likod ng driver ay bahagya akong tumayo at pinausog si Cerrah para makipagpalit ng upuan, ngayon ay ako na ang katabi ng mga estudyante

    "Hindi nyo ba ako tatanungin?" tanong ko

    "Hindi, bakit maganda ka ba?" tanong ng lalaki

    "Lah! Uupakan ko na to awatin mo ko" pabirong sabat ni Mhar kay Jofer

"Go push mo yan" rinig na bulong ni Jofer kay Mhar

    "Baka ikaw upakan ko di mo ba kami kilala?" matapang na sagot ng bata

    "Hindi! Sino ka bang garapata ka" sabat ni Zaolo

    "Hoy! Kulang pa ng dalawang bayad yung mga highschool jan" sita ng driver, nabaling ang atensyon nila sa hindi pa nag bayad

    "Hoy yung di pa nagbayad jan!" sita ng ibang estudyante

    "Mahiya naman kayo" wika pa ng ilan

    "Nag bayad na kami ah!" wika pa ng iba, nagtuturuan sila kung sino pang hindi nag bayad

    "Manong para po!" para ng isa pero dahil napikon na yata ang driver ay nag preno sya ng malakas dahilan para madulas kaming lahat papunta sa harap ng jeep at magkumpulan sila sa pwesto namin, para hindi maipit si Cerrah ay itinutukod ko ang kamay ko sa sandalan ng driver

    "Manong grabe ka!" reklamo ng ilan,

    "Hoy Zaolo yung kapatid ko mina manyak mo na" sita ni Mhar

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon