🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸***** Jenas
Nang nagpasya kaming umuwi sa Mansion nila Abuela Sun at Abuelo Kiel ay nagpaalam muna ako na babalik sa bahay para kumuha ng extra na damit pero sumama sa akin si Cerrah.
Nakaangkas sya sa motor habang nakayakap sa baywang ko
"Dapat hindi ka na sumama baka napagod ka" wika ko habang nagda drive
"Okay lang hindi pa naman ako pagod tsaka gusto ko pang gumala" sagot ni Cerrah. Iniliko ko ang motor papasok sa frontyard. Nang maiparada ko ang motor ay may babaeng biglang tumakbo sa amin
"Jenas!" sigaw ng babae, hindi pa ako tuluyang nakababa sa motor nang yakapin nya ang baywang ko dahilan para ma out balance ako, mabuti nalang at naitukod ko ang binti ko para di kami matumba ni Cerrah. "Jenas, mabuti at naka uwi ka na" wika ng babae habang nakatingin sa akin at muli ay yumakap "Bakit hindi mo man lang ipinaalam sakin na nakauwi ka, kung hindi pa ichinismis nila Aling Flor sa palengke di ko malalaman"
"Wait lang Arelli baka matumba ako sa motor" wika ko at bahagya syang pinausog para makababa. Si Arelli ang kababata namin ni Savanna, matagal na syang may gusto sakin pero si Savanna ang minahal ko, nang piliin ko si Sav ay nagpatransfer si Arelli sa bayan para makaiwas sa amin. Hindi ko alam na nakabalik na pala ulit sya dito.
*****Cerrah
Nang makababa kami sa Motor ay hinawakan ng babae ang kamay ni Jenas
"Na miss kita" maarteng wika ng babae teka, sino ba to? kailangan nakahawak kay Jenas? "Kumusta na?"
"Okay lang naman" casual na sagot ni Jenas. Tumingin sakin ang babae "Sino yan?" tanong nya at tinuro ako. huh? ang yabang naman ng tanong nito. Magpapakilala sana ako bilang Gf ni Jenas pero inunahan nya ako
"Si Cerrah, kaibigan ko" nakangiting sagot ni Jenas, nang marinig ng babae na kaibigan ako ng nilalandi nya ay nginitian nya ako
"Arelli nga pala" pakilala ng babae habang plastic na nakangiti sakin, makikipag hand shake sana sya pero hindi ko hinawakan ang kamay nya. Siguro napahiya sya kaya inirapan nya ako at nag simula nanamang lumandi kay Jenas "Kanina pa ako nandito pero walang katao tao" naka pout at nagpapacute na wika ni Arelli habang tinetrace ng daliri nya ang dibdib ni Jenas, naka sando lang si lalaki kaya siguro takam na takam si malandi sa kanya, nakatitig sya sa mata ni Jenas na tila nang aakit sabay kagat sa labi nya. Si Jenas naman ay hindi gumagalaw sa owesto nya at nakatitig rin sa babae, huminga ako ng malalim
"Jenas mauuna na ako sa loob" wika ko at nag walk out, ayaw kong pag aksayahan ng panahon ang landian ng dalawa. Mga kinse minutos din akong nagka upo sa sofa at nag hihintay sa dalawang nasa labas, nag de kwatro na ako at nag cross arms senyales na nababagot na ako kakahintay nang pumasok ang dalawa sa loob haay salamat
"Kukuha lang ako ng damit sa kwarto" wika ni Jenas. Sinusundan ko pa ng tingin ang dalawa na magkahawak kamay.
"Sasama ako" pabebe ni Arelli habang nakahawak ng kamay, teka.. si Jenas ang nakahawak sa kamay ni Arelli. abat!, napaayos ako ng upo nang hawakan ni Jenas ang baywang ni Arelli para sabay silang umakyat.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa nababa ang dalawa, sabi kukuha lang ng damit tapos ten minutes na wala pa sila? tumayo ako para umakyat, Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto namin ni Jenas ay pinihit ko ang door knob at binuksan
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
TeenfikceBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...