𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 26 : Jealousy

525 14 0
                                    


🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸

***** JENAS

Simula pa kaninang umaga ako pinuputakte nina Zaolo, Mhar at Jofer na umamin daw sa nangyari sa amin ni Cerrah kagabi. Ilang beses ko na ngang sinabi na walang nangyari pero ayaw nilang maniwala. Kahit makulit sila ay sumusunod naman sila sa usapan tungkol sa arrangement namin ni Cerrah.

Nasa Canteen kami ngayon kasama ang mga girls, kumakain kami ng lunch nang dumaan sa table namin ang grupo nina Flare, Chase, Saenz, Gertrude at Astrid, langya! nanliliit talaga ako kapag nakikita ko na magkakasama sa misyon yung apat na yon tapos ako nag iisa lang. Pakiramdam ko isang sandal lang sakin ni Flare madali lang nya akong magigiba eh. Napansin ko na parang may salpukan ng mainit at malamig na hangin sa pagitan nina Astrid at Cerrah nang magtama ang tingin nila.

Haaayyy Women. bagot na sabi ko sa sarili ko. Talagang ayaw ng dalawa sa isa't isa, nagagawa ng competition pinag hihiwalay nya ang mga tao.

"Guys Lets sit here" masayang aya ni Astrid sa katabing table namin, umiwas ng tingin si Cerrah at huminga ng malalim

"Chill" bulong ni Mhar kay Cerrah

"Flare lets sit together, Jenah sit with Chase or Saenz" utos ni Astrid

"How bosy" bulong ni Cerrah

"Parang ikaw" bulong ko. Natawa sina Yvone sa amin

"Nag bago na ako hello" sagot ni Cerrah

"Alam nyo, kumain nalang tayo" wika ni Hazel

"Mabuti pa nga" sagot ni Khim

"Hoy Jhec nagpapaganda ka nanaman jan" sita ni Jofer

"Shut up" pagtataray ni Jhec kay Jofer

"Nagpapaganda sayo Jofer" biro ni Nova

"Shut up" sagot ni Jhec kay Nova

"Ivy kumain ka muna pwede ka namang magbasa mamaya" wika ni Yvone

"Wait lang, nasa climax na ako" sagot ni Ivy.

Busy ako sa pag nguya ng pagkain ko nang biglang may humawak sa balikat ko kaya napatingin ako kung sino iyon.

"Minna-san, Ohayou!" Nakangiting bati ni Gertrude sa mga kaibigan ko (Good morning to all)
Yumuko sya ng bahagya sa harapan ko dahilan para lumuwa ng kaunti ang kanyang cleavage. Tsanggala! napalunok ako ng malalim, nasa likod ko lang si Flare at ngayon pa lang pakiramdam ko ay nabubutas na ang likod ko dahil sa sama ng tingin nya. Baka mamaya sunggaban ako nito at tuluyang balian ng leeg. Hindi ako takot kay Flare kahit mag suntukan at magpatayan pa kami, takot ako na masira ang pagkakaibigan namin dahil sa trip ni Gertrude.

"Uzai" bulong ko (Annoying) at bagot na ngumuya ng pagkain habang walang gana akong nakatingin sa mukha ni Gertrude

"O-genki desu ka" (How are you) tanong ni Gertrude

"Genki desu" sagot ko (I'm fine) alam kong nagtataka na sa amin ang mga tropa ko gayun din si Astrid. Di ko talaga alam ang trip ni Gertrude, sinisira nya ang plano ko.

"Ochashinai" biglang sumeryoso nang mukha si Gertrude (Do you have a time to talk (at cafe)). Napakamot ako ng batok at tumingin kina Cerrah

"Saglit lang ah" wika ko at tumayo. Ngumiti sa akin si Gertrude

"Te wo tsunaide mo ii?" tanong ni Gertrude (Can I hold your hand?)

#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon