🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
🌸🌸🌸🌸🌸***** Cerrah
dalawang araw na ang lumipas buhat nang bigyan ako ni Jenas ng palugit sa inaalok nya sa akin kaya dalawang araw narin kaming hindi nagpapansinan. Hindi nagpapansinan? o sinasadya nyang hindi ako pansinin para makapag isip isip ako? Willing syang maging rebound o panakip butas? parang unfair naman yun sa side nya diba? ano kayang tinatakbo ng isip nya? Alam kong naka arrange na ang marriage namin pero hindi naman nya ako mahal. Ni minsan hindi nya ako sinabihan na mahal nya ako in a romantic way, sinasabi lang namin na mahal namin ang isa't isa kapag upset ako at tina try nya akong i comfort, anong dahilan mo Jenas? bakit patuloy mong ipinipilit ang sarili mo sa akin?
Napahawak ako sa nuo ko habang nakayuko sa desk, napaangat ako ng mukha nang may kumalabit sa balikat ko.
"Mhar ikaw pala" matamlay kong wika, umupo si Mhar sa tabi ko at inilahad ang braso sa sandalan ng inuupuan ko kaya parang naka akbay sya sakin kahit na hindi nagta touch ang aming katawan.
"Problemado?" tanong ni Mhar. Umiling iling ako
"Hindi, gutom lang siguro" sagot ko. May kinuhang sandwich si Mhar sa bag nya at iniabot sa akin "What's this?"
"Sandwich" nakangiti nyang sagot, napangiti ako
"Yeah, i know sandwich to pero.. bakit binibigay mo sa akin?" tanong ko
"Sabi mo gutom ka? kaya ayan sayo na sandwich ko" sagot ni Mhar "Don't worry walang gayuma yan"
"Thanks" sagot ko at sinimulang kagatin ang tinapay "Share tayo?" tanong ko. Umiling iling si Mhar
"No, sayo na yan" sagot ni Mhar. Hindi ko alam kung bakit biglang bumait sa akin si Mhar, No, mabait naman sila Mhar since nakilala ko sila ng husto but what I mean is hindi naman ganito ka close sa akin si Mhar, Hindi sya yung unang makakapansin kung may something sa akin kundi si Yvone, I looked at my back to see what my tropa are doing dun malapit sa basurahan na pinagtapunan ng slot na inuupuan ni Mhar hahaha. Jofer and Zaolo are playing... what? Naglalaro sila ng papel na may maliliit na holes tapos sa ilalim ng papel ay tine trace nila ang ballpen at sinisiguradong hindi lulusot ang point ng ballpen sa butas kung hindi ay taya na ang tumitira at pipitikin ng malakas sa tainga. Parang mga bata talaga sila, laro pa namin yun nuong elementary days ehh! Si Yvone at Jhec ay nag kukulutan ng buhok, Si Nova at Khim ay nag susulat ng... what?! nag susulat sa slambook?! that's so Highschool days pa! Si Hazel ay nagchi cheer kina Jofer at Zaolo habang si Ivy ay as usual nag babasa sa wattpad ng favorite story nya about Vampires at Warewolves. Huli kong napansin si Jenas, nasa tabi sya ng bintana at tahimik na nakatanaw sa labas nang bigla syang kalabitin ni Nova at nagtanong. Rinig na rinig ko pa ang tinanong ni Nova
"Jenas what is love?" tanong ni Nova, Napatingin si Jenas sa kanya
"Love needs no words" sagot ni Jenas
"Ano ba yan ang boring mo" natatawang sabat ni Khim, hindi na umimik si Jenas kaya nag sulat ulit ang dalawa, napatingin ako sa mukha niya at talagang feeling ko ay namumula ang mukha ko nang mahuli kong nakatitig sa akin si Jenas, napahawak ako sa bibig ko at umiwas ng tingin sabay ayos ng upo nang mapansin kong nakalapat ang mukha ni Mhar sa desk at nakahawak sa tiyan nya na tila namimilipit sa sakit kaya niyuko ko sya
"Mhar? are you okay?" tanong ko. Hindi sumagot si Mhar. Umakbay ako sa kanya "Mhar?" bigla akong nakadama ng pag aalala
"Wala to, sumakit lang ang tiyan ko" mahinang sagot ni Mhar
BINABASA MO ANG
#3 𝒮𝓊𝒸𝒸𝑒𝒹𝒶𝓃𝑒𝓊𝓂 (Jenas and Cerrah Book1) 3rd Story
Ficção AdolescenteBilang isang MOLE o Penetration Agent/Deep Cover Agent/ Sleeper Agent ay papasukin ni Jenas Rivera ang buhay ng isang Spoiled infantile college girl na si Cerrah Jane BuenaVista para ma infiltrate ang kinasasangkutang sindikato ng kanyang Ama na si...