PROLOGUE

10K 162 4
                                    

" Dalawang buwan na ang lumipas at hindi pa rin matagpuan ang anak ng Castillo Group of Companies CEO na si Bianca Castillo. Huling nakita ito sa palabas ng Escape Bar noong gabi bago siya mawala. Ayon sa witness na si Briggs Ocampo, nagkamisunderstanding lang naman si Bianca at ang boyfriend nito na si Ryder Monteverde. Pagkaalis ni Bianca,balak pa sanang sundan ito ni Ryder ngunit ilang oras na ang lumipas, hindi na nakauwi si Bianca.

" Ilang oras kaming naghihintay pero wala pa rin siya. Doon na ako kinutuban kasi sa pagkakaalam namin, sumunod lang naman siya kay Ryder sa Escape."(shows Camille's interview)

" Kinabahan na kami kasi hindi naman ganoon si B. Nagrereply naman siya kahit na busy yun."(shows Georgina crying)

Hanggang ngayon , pinaghahanap pa rin ng awtoridad ang mga suspects sa pagkawala nito. Agad namang pinaiimbestiga ang mga sumusunod na tao (flashes Clyde,Faye and Carlo's faces with names below the photos). Umaasa ang buong Castillo family na matagpuang ligtas ang pa ang kanilang unica hija.

Kung may mga nakakaalam kung saan si Bianca Castillo, ipagbigay alam lang sa numerong nasa ibaba.

Melissa Tanghal, PTV News Flash."

I sighed heavily.

It's been two months and still wala pa rin natatapuang Bianca Castillo. Nasaan ka na ba? Bakit ba kailangan na maging ganito ang relasyon natin?

Bakit sa tuwing nagiging masaya tayo laging may pagsubok na dumadating?

Umuwi ako sa Pilipinas only to be left alone. I came back para lang pala mainterview ng sangkaterbang news at showbiz media tungkol sa atin. Kung paano tayo nagkakilala at bakit tayo nagkagalit.

Hindi ko na nga namamalayan na nauungkat na ang nakaraan natin. Tungkol sa inyo ni Clyde Yap at sa amin ni Denise de Ocampo.

Kung gaano kadami ang sumusuporta at tumutulong sa amin na mahanap ka,ganoon din kadami ang mga taong halos batuhin na ako ng itlog in public. They told me that it was my fault na nawala ka, na sana inintindi na lang kita at pinatawad. May ibang nagsasabing napakababaw naman ng dahilan ko,na dahil lang sa nangyari sa inyo ni Drake Montemayor, hahantong na lang sa ganito ang relationship natin.

Hindi ko inaasahan na ganito ang kahahantungan ng paglayo ko sa'yo. I never realized na kaya pala nilang ilayo ka sa akin ng ganito,Bianca.

Ang sakit-sakit na pero wag kang mag-alala. Titiisin ko ang lahat para sa'yo. Para muli kitang makita.

MISSING : BIANCA CASTILLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon