1 : Sympathy

5.8K 112 0
                                    

Ryder's

" PACK UP NA!" , sigaw ng isa sa mga ng media sa kaliwang gilid ko. Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko at saka nakipagkamay si Melissa Tanghal,isang kilalang news anchor.

" Thank you Mr. Monteverde sa interview na ito.Pasensya na naistorbo na naman kita.", sabi niya habang nakangiti. " I wish you all the best. Sana makita na si Bianca."

" Sana nga. Thank you." Unti unting lumalabas sa pinto ang media at nagpapaalam sa akin. Nang ako na lang ang natira sa kwarto,pinindot ko ang intercon at kumonekta sa secretary kong si Julia.

" Coffee please. One sugar muna ngayon Julia. Thanks."

" Sige po Sir." , sabi ni Julia sa kabilang linya.

Ilang minuto pa ang lumipas at katok na si Julia sa pinto. Pinapasok ko siya at pinasalamatan. Bago pa siya lumabas, nilapag niya sa table ko ang isang sulat. " Pinabibigay po ni Sir Eric."

" Salamat."

Akala ko'y aalis na si Julia sa harapan ko pero nang makaabot siya sa pintuan, lumingon siya sa akin at nagpaalala,

" Sir Ryder."

" Yes?" , sabi ko habang binubuksan ang envelope ng sulat.

" Goodluck po sa paghahanap kay Miss Bianca. Sana po makita na po siya,dalawang buwan na ho kasi ang lumipas. Basta po Sir Ry makikita niyo din po siya. Stay strong! Sige po." , ngumiti siya at tuluyan nang lumabas sa opisina ko.

Napangiti ako ng palihim sa narinig ko. Kahit papaano pala may nag-aalala pa rin sa akin.

Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan muli ang wallpaper ko.

' Bianca,kamusta na ba? I miss you."Doon na nga tuluyan akong napahawak sa sentido ko at umiyak. Ang tanga-tanga ko talaga. Parang gago ako na walang magawa sa paghahanap sa kanya. Madami nang kumontak sa number ng ama't ina nya pero maliban sa dami ng prank callers, yung iba nagbibigay lang ng words of encouragement sa kanila. Same goes with me.

Hinawakan ko ang screen katapat ng mukha ni Bianca at ngumiti, " Wag kang mag-alala, hahanapin kita. Hindi kami susuko sa'yo babe."

Pinagpatuloy ko ang pagbukas sa sulat ni Eric. Nang mabuksan ko na, isang litrato ng babaeng mahaba ang buhok at blond,nakangiti at mukhang anghel ang tumambad sa akin.

I looked at the his note at the back of the photo.

She saw Bianca. See you next month.-Eric

MISSING : BIANCA CASTILLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon