A/N
First of all, hi everyone! Omg. It's been months since I last updated this story and I'm so grateful that you still remember me. Haha! Thank you so much for your support and for reading my stories. It really means a lot to me. Magdiwang tayo! Active na ulit ako!-LP
Ryder's
Madali lang naman pala itong TVC ni Drake. Akala ko naman mamamatay na ako sa kaba, kadalasan naman kasi mga out of this world ang ideas ng lalaking yun. Habang iniinstruct kami ng crew kung saan at paano gagawin yung scene na maglalakad sa beach, buglang nawala sa paningin ko ang kanina pang nakatayong si Drake.
Wow. Paimportante ang call para mawala siya ng ganoon lang sa shooting.Nakita ko na lang siya na puro hand signals ginagawa kay Merryl tapos humawak ng bigla sa sentido niya.
Binaba niya ang cellphone niya sa mesa na katabi ng cameraman at hinarap kami,pawis na pawis at putlang putla.
" I need to go back to Manila as soon as possible, guys. Pasensya na."
" What?! Hindi ba pwedeng after one week na yan, Mr. Monteverde?", sabi naman ng isang representative ng Oxygen. " We've been waiting for this TVC to happen and aalis ka? Alam mo naman kung gaanong--"
" MY GIRLFRIEND IS PREGNANT! I NEED TO BE THERE FOR HER!"
Bigla kaming napalingon kaagad sa kanya. Napahawak siya muli sa sentido nya at saka naman sa noo nya. Bakit parang hindi siya masaya?! Baka in shock lang!
" I need to be there, she needs me more than this TVC. Don't worry Ms. Gonzaga, my secretary Merryl will help you out on this ad." Kinuha niya ang phone niya at saka nagpaalam. Naiwan naman kaming nakangaga at walang kagalaw-galaw.
Whoa. Sila pa rin pala ni Angel? Akalain mong natagalan siya ni Angel? Grabe.
" Moving on. Let's start with this TVC! Merryl, please help me out.", sabi naman ni Ms. Gonzaga.
Pinapunta kami left side ng beach para daw maglakad papunta sa gitna. " Basta hold her hand throughout the taping! Don't let go of it and Miss Bianca, kapag umabot na po tayo sa gitna ng beach, look at Mr. Monteverde lovingly.", sabi ng kasama ng team ni Drake, si JV. " Dapat makikita sa eyes niyo yung pure love ha? Okay? Sigaw na lang yung direktor ng Action mamaya!" Tumakbo ito pabalik kasama ang buong crew.
Lumingon kami sa isa't isa. Halatang kabang kaba siya from the way she held my hand. Namamawis at mahigpit. Nginitian niya ako at nagpeace sign. " Sorry, first time eh."
" There will always be a first time for everything. Don't worry, babe."
ACTION!
Naglalakad pa lang kami papunta sa gitna nang biglang icut ng direktor. " NAG-UUSAP KAYO! PLEAAASE!! AGAIN!"
Habang nakahawak sa kamay ng isa't isa, nagtanong siya sa akin. " Masaya siguro ako noong magboyfriend tayo noh!l?" Ngumiti siya.
" Oo naman! I always make sure na every day tumatawa ka. Goodvibes lang dapat", ngumiti
naman ako." Lucky girl. Hahaha!", tumawa siya at tinakpan ang bibig nya.
" Lucky you.", sabi ko naman habang nakatitig sa mukha niya. Little did I know na nasa gitna na pala kami ng beach.
Tumayo kami sa gitna habang nakatingin lang siya sa akin. The waves were a calm, it was a bit windy but nevermind, kahit natatangay ng hangin ang iilan sa buhok niya, she's still pretty.
Gusto ko siyang halikan right there and then para maalala man lang niya kung gaano ko siya minahal noon at minamahal pa rin ngayon. Gusto kong yakapin siya sa mga oras na ito habang nakatingin lang siya sa mga mata ko. I can see my reflection in her eyes. I hope that she still feels secure, happy and loved kahit man lang sa pagtitinginan namin. Nilalapit ng cameraman ang lens niya at may isang drone na lumilipad papataas samin for aerial shots.
I was moving forward to kiss her but the director said"CUT! BIANCA! MORE LOVE! MALAPIT NA ANG SUNSET! WAG TAYONG MAGSAYANG NG ORAS!!"
Tumango siya at pumikit. " Sorry ha, mahirap e."
Mahirap ba talaga, Bianca? O sadyang nakalimutan mo na ang pakiramdam?
--------------------------------------------------
Bianca's"MORE LOVE! MALAPIT NA ANG SUNSET! HUWAG TAYONG MAGSAYANG NG ORAS!! PLEASE!"
Bigla akong naputol sa romantic scene namin. Ang hirap naman kasintalagang iparamdam
ang love through eye to eye contact. Lalo na sa sitwasyon kong na-brainwashed sa mga alaalang mayroon kami ni Ryder. Hay!Inulit ulit ang shot pero kapg napupunta kami sa gitna para naman magkatinginan, lagi akong nawawala sa focus. Ano ba ito?! Ang hirap naman kasi talaga! " Nakaka-sampung shots na tayo, Bianca. Please, hija.", sabi ng direktor.
" Alam ko na! Gusto niyo magkaconnection di ba? Alam ko na gagawin nila para may love sa pagtitinginan!"
" Ano po yun?"
" KISS EACH OTHER!! KISS SA LIPS!"
What?! Seryoso? Bigla akong namutla habang nakatingin kay Merryl. She looked back at me and smiled, then have me a two thumbs up. " Kaya mo yan, Miss Bianca!", sabi pa niya.
Ryder looked at me and put his hands on his pockets. " Okay lang ba sayo, Bianca?"
BINABASA MO ANG
MISSING : BIANCA CASTILLO
KurzgeschichtenWhen I left her, I knew that I made the biggest mistake in my life. When I came back to the Philippines, inaasahan ko na masasaktan ko siya. Inaasahan ko din na sasaktan niya ako physically and emotionally. Alam kong mali ako, Bianca. Pero bakit kai...