Ryder's
To be honest, I have no idea why I'm here! Bukod sa tinitingnan nila ang magandang bride, sa akin din napapatingin ang mga tao sa simbahan. Some cameras are focusing on me.
Walang privacy pala ang kasalang ito. Bakit ba ako napunta dito? Kung wala lang kaming pinagsamahan ni Denise at hindi nya ako pinakiusapan, hindi naman ako aattend eh.
Kaso kahit papaano may respeto at pagmamahal ako sa kanya.
This is her day.
Ganito pala ang feeling na makita mo ang ex mo na naglalakad papunta sa altar at hinihintay ng ibang lalaki. Napahinga ako ng malalim,part of me was saying na sana ako yung lalaking naghihintay sa kanya. Ako pa nga nagpangako sa kanya na hindi na magbabago ang plano naming magpakasal.
I promised her that I will give her that FOREVER pero mauuwi din pala sa OVER.
Lumipat ang atensyon ko kay Drake Montemayor na ngisi nang ngisi sa gilid ko. Bakit ba sa lahat ng makakatabi ko, eto pang hinayupak na ito makakasama ko sa wedding?! Geee! Kamalasan nga naman oh!
" Maghihiwalay din yan. Psshhh.", bulong niya habang nakangiti.
Siniko ko siya dahilan para kumunot ang noo niya. " Wala ka talagang respeto ano? Bitter." , mahina kong sinabi.
" Shut up, Monteverde. Mind your own business."
" Mind your own lovelife, Montemayor." Hah! I won! Akala mo ha. Nanahimik na si Drake after ng banat ko.
When it was time to kiss the bride, bigla akong sinikipan ng paghinga. Siniko ako ng mahina ni Drake," Huy ok ka lang pre?"
" Drake. Sa tingin mo ba buhay pa si Bianca?"
Umiling ito," Malay ko. Basta ako wala akong kinalaman dyan. Me and Bianca are so done.."
---------------------------------------------
RECEPTION : MANILA HOTEL
Everything was planned according to what she likes. I can see her clearly from where we're seating.
" Ang saya-saya ni Denise noh?", sabi ni Tito Hans Chua, family friend ng mga Montemayor at business partner din ng ama ni Drake. " Huli kong nakita ang ganyang kasiyahan noong kinasal si Macon kay Tobias." , he was referring to Drake's mom and dad.
Pinanood ko na hinihiwa na nina Denise at Anton ang cake at saka nagsubuan.
She looked so happy and I couldn't help but be teary-eyed now. Ang sarap sa pakiramdam na nakamit na niya ang fairytale na matagal na niyang pinapangarap.
" Sana maalagaan siya ng mabuti ni Anton.Do you have any regrets pre?", sabi ni Briggs na nasa kaliwang gilid ko.
" Nawala na lahat ng regrets ko, Briggs. This is genuine happiness,pre." Ngumiti ako habang nakatitig pa rin sa kanya.
Everything was going well when someone walked straight into the stage and grabbed the mic.
What the "/(]*%\^\!!
" Si Faye yun di ba?!", Briggs whispered.
" FIRST OF ALL, I WOULD LIKE TO CONGRATULATE THE NEWLY WEDS! DENISE AND ANTON, BEST WISHES TO BOTH OF YOU! MAY YOU HAVE A HAPPY MARRIAGE! AND AS A WEDDING GIFT FOR YOU AND TO EVERYONE OUT THERE, I WOULD LIKE YOU TO WELCOME JESSICA 'JESSIE' CRISTOBAL!"
Someone walked into the stage and nodded gently.
Short hair.
Fair skin.
Same piercing brown eyes.
Same sweet smile.Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko.
It's Bianca.
Bianca's already here.
BINABASA MO ANG
MISSING : BIANCA CASTILLO
Short StoryWhen I left her, I knew that I made the biggest mistake in my life. When I came back to the Philippines, inaasahan ko na masasaktan ko siya. Inaasahan ko din na sasaktan niya ako physically and emotionally. Alam kong mali ako, Bianca. Pero bakit kai...