Ryder's
Oblivion
[uh-bliv-ee-uh n]
noun
the state of being completely forgotten or unknownI fear that word.
I have a phobia for it.
And now I'm experiencing it.
Two hours after the incident in Manila Hotel, panatag na ang kalooban naming lahat dahil naikulong na si Clyde at dinala na si ospital ang mga bangkay nina Denise,Faye at Carlo na pawang mga Dead on Arrival.
Hanggang ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala na mauuwi sa kamatayan ang masayang araw na ito. Inuwi muna si Anton sa Pasig para mahimasmasan pati na ang mga kaibigan at kamag-anak nila ni Denise.
Naiwan ako sa crime scene kasama sina Briggs, Yumi,Georgie,Camille,Claire at Ang babaeng kamukha ni Bianca (at sigurado akong siya yun) pero nagpapakilala na Jessie Cristobal.
Nakaupo kami na nakaharap lahat kay Jessie.
" Kamukha niya talaga si Bianca. Walang duda. ", sabi ni Yumi.
" Imposible naman na may kakambal siya. Edi sana kilala natin di ba? Hmmmm. She's Bianca.", dagdag ni Camille.
Nilapit ko ang upuan ko sa tapat niya at inobserbahan ang mukha niya. Bianca has a mole on her right cheek, one in her neck and two in her forehead.
" B-bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? A-anong gagawin n-niyo sa akin?", she asked nervously.
This girl got the marks I'm looking for. " Guys, si Bianca nga. Bianca!", I hugged her tight. I faced her and all I can see is a girl with a short hair and a pink dress.
She just stared at me. Clueless.
Those blank brown eyes that tells me that I'm a forgotten memory.
" H-hindi ako si Bianca. Sino ba siya?", she asked with innocence in her tone. Her friends gasped and looked at each other. Maiyak iyak na hinawakan ni Yumi ang kamay ni Bianca.
" Bianca.."
" ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA INYO NA HINDI AKO SI BIANCA! I'M JESSIE!", tumayo si Bianca at ginulo ang buhok niya. " THIS IS SO WEIRD! SINO BA KAYO?!"
" Kami ang mga kaibigan mo,B.", sabi no Georgina. " Bakit ganito ang nangyari sa kanya, Ryder?! Tell us!"
" Naturukan siya ng pampa-amnesia. O baka very traumatic ng nangyari sa kanya kaya pinili na lang niyang kalimutan ang nakaraan. Tandaan niyo guys matagal tagal din siyang nawala at very unbearable siguro ng naranasan niya sa puder nina Faye.", Briggs told us. I nodded in agreement but I can't help looking at Bianca now.
Nakalimutan na ba talaga niya kami?
Ako?
Ang pag-ibig namin?
" I need you to come with us, Jessie. Wag kang matakot. Magtiwala ka lang. Hindi ka namin sasaktan.", hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya at tinitigan siya.
For a moment , she smiled. " Alam kong napakaaga pa nito para pagkatiwalaan ko kayo. But please...don't hurt me like they did."
" We won't. I promised."
BINABASA MO ANG
MISSING : BIANCA CASTILLO
Short StoryWhen I left her, I knew that I made the biggest mistake in my life. When I came back to the Philippines, inaasahan ko na masasaktan ko siya. Inaasahan ko din na sasaktan niya ako physically and emotionally. Alam kong mali ako, Bianca. Pero bakit kai...