29: Covers

1K 25 0
                                    

It kinda feels new again. Para akong teenager na first time pumasok sa bar. This is better than any bars that we've have, actually. Ang ganda ng ambiance ng bar na ito, not that super nagkakagulo type. Kalmado lang, masasarapan ka magchill.

Pinaupo ko si Kai sa kabilang upuan at umupo na din ako.

" Anong gusto mong kainin? My treat.", sabi niya habang nakatingin sa menu.

" Ako ang lalaki. Ako na.", sabi ko. " Nakakahiya naman kung--"

" I insist. Besides, I was the one who, forcefully hahahaha! Invited you here." Hinawakan niya yung wrist ko nung nilabas ko na wallet ko. I returned it inside my pocket and smiled.

" Makapag-order nga ng mahal." Natawa kami. Hinampas nya ako sa braso.

" Hahaha! Sige lang. Minsan lang ako manlibre ha, kaya lubusin mo na."

Then a band went in the stage. Nagtotono pa sila pero nagpakilala na, Agsunta daw. Hmmm. Kinda familiar, parang napanood ko na covers nila sa Youtube and I may say na magaling silang magcover ng songs ha.

" Sila siguro yung sinasabi sakin ng friend ko na nagcover ng Sila.", she looked at them.

" Gusto mo pala nanonood ng ganito no?"

" Ha?Oo naman! I love covered songs and independent bands as well. Iba tunog eh.", she said.

" Hindi lang halata sayo since you came from the US and you know, sosyalin ka.", natawa siya. Tawang tawa. It's stereotype daw.

Then the band began to play Sila by Sud. (see media for backgroud music habang nagbabasa. Hahaha!)

"Alam mo, namiss ko ito. Yung umuwi sa Pilipinas, yung maramdaman na malaya ako. Ibang iba sa US, para akong nasa hawla.."

She was staring at the band, nakapangalumbaba lang habang nakangiti. She looks dreamy, actually. Maganda siya malapitan.

".. I never expected na uuwi ako dito. Kung hindi lang talaga nagkasakit si Mama, hindi ko itetake over ang company nya. Though, yeah, I really like the fashion industry and all, but.. you know, hindi ko mahal ang fashion."

" I felt that too, Kaiden. When the company became mine, naramdaman kong hindi ko kaya ihandle yun. I felt as if I don't deserve that company. But you know what? Natututunan mo palang mahalin ang isang bagay through time.", I told her. She looked at me and smiled.

" Paano kung sa tao iaapply yan? Over time ba mamahalin ka din ng taong hindi ka talaga mahal at the first place?"

" Siguro. Hindi ko masasabi. You'll just feel it kasi eh.", sabi ko. Ang swabe ng
dating ng cover nila, nakakawala ng stress. Sumasabay sa mood ng bar.

" Inom pa. Ako na maghahatid sayo, don't worry.", sabi ni Kaiden. Inabot niya ang pang-limang bote ko ng San Miguel habang iniinom niya yung sa kanya.

" Sure ka? Pwede ako magbanlaw, I can handle this."

" No way. Mamaya maaga ka pang kunin ni Lord. I insist. Anyway, Ryder. Ask ko lang if you don't mind ha."

" Ano yun?"

" Mahal mo ba si Bianca? You know, after all of these happened, mahal na mahal mo pa rin ba siya? Kahit nakalimutan ka niya two years ago?"

Napatingin ako sa Agsunta. Bigla akong napaisip, Mahal ko nga ba si B? Oo naman. Pero yung mahal na mahal, mahal na mahal ko pa ba?

" You're spacing out, Ry. Ano na? Hahaha!"

" Oo naman." Unsure.

After a couple drinks, I felt somewhat dizzy na. Hindi na masyadong clear nakikita ko and nagsisimula na akong magka-headaches. Inalayan ako ni Kaiden papasok sa car niya.






And that was it.

I woke up with Kaiden by my side and our clothes on the floor.

MISSING : BIANCA CASTILLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon