2 : Soon

4.4K 100 2
                                    

Tinawagan ko kaagad si Eric pero hindi naman niya sinasagot. Napakamot na lang ako ng ulo habang nakatingin sa litrato ni Blond Girl. Sino ba siya?

Paano naman niya nakita si Bianca? As far as I know wala naman siyang nakasabay lumabas ng Escape two months ago.

Tiningnan ko ang mga mata ng babae. Shit. Asul na asul ha! Feeling ko chicks lang ito ni Eric na inirereto sa akin. Baliw talaga yang pinsan ko. Nang malaman kasi niyang napapatagal ang pagkawala no Bianca, inaya niya ako noon sa New York na magclubbing tapos pinakilala ako sa Amerikana.

Para namang papatulan ko yun, ano po? Uy di na! Sapat na sa akin si Bianca!

Actually kauuwi ko lang sa Pilipinas. Nang naikalat na kasi sa buong bansa na nawawala si Bianca, I needed to take a moment to sort out things. That's when I left the country and went back to New York. Nalaman nina Eric at Tito na ganito nga ang sitwasyon ko kaya mas mabilis pa sa alas kwatro ang pagtugon nila nang nagbalak akong magresign sa Vergara Group of Companies.

Kaysa daw magresign ako, pinaubaya na lang sa akin ng ama ni Eric ang Vergara Advertising. Ako ang ginawang CEO ng kumpanya. Tungkol naman sa pagnu-Nursing ko, pinagpapatuloy ko pa rin ang pagiging nurse ko. Night shift naman ako nun twice a week.

Sa totoo lang kahit medyo duda ako sa sulat ni Eric, tiwala ako na hindi niya ako bibiguin. Malaki ang utang na loob ko sa pinsan ko na yun. Nilagay ko na lang ang litrato sa planner ko at huminga ng malalim.

' Makikita din kita,Bianca.'

----------------------------------------------

Eric's

" Sir Eric, naibigay ko na po kay Sir Ryder. Ingats po." (see Media for the photo given to Ryder-->)

" Thank you Julia. Ikaw din." , binaba ko ang tawag at hinarap ang swivel chair sa babaeng nakaharap sa akin.

" Ryder already read the letter."

" That's good. When will we go home? I'm excited to meet him.", sabi niya habang nakangiti.

" Soon, sweetheart. Soon."

MISSING : BIANCA CASTILLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon