Ryder's
Hindi ako namamalikmata! Siya nga! Si Bianca nga pinaikli lang ang buhok!
Napanganga si Denise sa nakita niya. She hurridly grabbed the mic and pulled 'Jessie'and Faye out of the stage.
'' Anong ginagawa niyo dito?! Paanong--''
'' Nagulat kayo ano? Hah! Oh well. I never thought na magiging ganito kasaya ang wedding mo, Denise. Ang dami-dami mo pang satsat na ginawa, sa ibang lalake ka din pala mauuwi. Akalain mo nga naman na kinomfort at pinaubaya ko pa sa'yo si Ryder tapos mauuwi ka sa mukhang hito na ito?! Hahahaha! Pagkakataon nga naman!'', sabi ni Faye. Nanahimik ang mga tao sa reception area. '' Oh ano?! Gusto niyo pa ng rebelasyon?'' , agad siyang kumuha ng wine mula sa hawak hawak na platter ng pinakamalapit na waiter sa kanya.
'' I want you to know that this is not only a celebration of Denise's wedding. I would like to take this opportunity to let you know that Clyde Yap and I are engaged.'' Sa hindi malamang dahilan, hindi na nakaabot sa harap ng dancefloor si Clyde dahil agad ko siyang sinugod at sinuntok sa kaliwang pisngi.
Napaupo si Clyde sa sahig habang hawak ang pisngi niya. Nagsimula nang dumugo ang ilong niya pati ang bibig niya. Hinatak naman ako ni Briggs papalayo sa kanya. '' Walanghiya ka! Paano mo naitago ng ganito si Bianca?! Paano niyo nagawa ito sa amin? Hindi ba kayo nakokonsensya sa ginawa niyo?!'' , tumingin ako sa mga guests.
'' Tutunganga na lang ba kayo?! TAWAGAN NIYO ANG PULIS!'' Hindi magkadaugaga ang mga tao, Everyone was panicking even the Montemayors, Ocampos, De Ocampos and Lunas. Lahat ng tao nadadamay. May mga tao na kumokontak na sa cellphone nila nang maglabas ng baril ang iba pang kasamahan nina Faye at nagpaputok.
* BANG!!!*
'' WALANG TATAWAG O MAKAKAALAM NA MAY KAGANAPANG NANGYAYARI DITO!!YOU DON'T KNOW WHO WE ARE. ORAS NA TUMAWAG KAYO, LAHAT KAYO MAMAMATAY!''
'' YOU CAN'T KILL US! MADAMI KAMI SA INYO!!!'', Sigaw ng isang guest. Paglingon ko nandoon pala si Angel, girlfriend ni Drake. Natawa naman si Faye sa narinig niya at agad hinatak sa harapan si Denise.
'' Oh really? Paano kung pasabugin ko ang bungo ng bride? Tatawag pa kayo?'' , kinasa niya ang baril at tinapat ito sa sentido ni Denise. Everyone gasped and tried to stopped her. Faye just laughed and murmured something to Denise. Bigla na lamang napaiyak ang bride at tinaas ang dalawang kamay nito sabay luhod sa harapan ni Faye.
'' Kabayaran ito sa mga pasakit at pagpapaasang ginawa niyo sa amin. Ang sasama niyo!'', sabi ni Faye habang nakaharap kay Denise. Nakayuko lang si Denise habang umiiyak. '' P-patawarin mo n-na ako Faye. Hindi k-ko sinasadya. Mahal na mahal ko n-noon si Ryder. Hindi ko k-kaya na ..wala..sya. P-please. Patawarin..mo..na..ako.'' ,naiiyak niyang pagbanggit.
Tumawa ng malakas si Faye at tumingin sa nakaawang mukha ni Denise. I took one stepped closer on the dancefloor and watched my ex begging for forgiveness. Kalat na ang make up niya at iyak na siya nang iyak. I've never seen Denise this fragile. Ang groom naman na si Anton ay nakaabang sa gilid niya at panay 'Sorry ' at 'Pakawalan mo na si Denise'ang pagmamakaawa.
Then I saw a gun.
Hawak ni Drake sa gilid niya. Drake was a former Gang Member and his girlfriend's protection. That was his and his girlfriend's protection kapag hinahunt siya ng mga dating kalaban niya. Kinasa niya ang baril ng mabagal para hindi marinig.
'' Alam mo ba kung gaano kasakit ang paasahin? Kung gaano kasakit ang paulit-ulit na hindi tanggapin ang pagmamahal mo?! Alam mo ba ang ganoong feeling Denise? Hah??!", sabi ni Faye kay Denise. Puro iyak lang ang sinagot ni Denise. Namumutla na siya sa kaba at takot. Anytime aatakihin na siya ng asthma niya.
'' T-tama na..Faye.. Magkalimutan na t-tayo sa nakaraan...patawarin mo na ako", Denise
I made my way from the middle of the crowd to the corner of the dancefloor where he is standing. Mabagal pero precise. Walang katunug tunog.
I was near to grabbing his gun when Faye shouted,
'' SIGE NA NGA. SINCE AWANG AWA NA AKO SA'YO! TATAPUSIN KO NA PAGHIHIRAP MO, DENISE!
MAY YOU LIVE HAPPILY EVER AFTER!''
*BANG!!*
Isang putok at ang buong Manila Hotel ay nagkagulo.
Agad na tumakbo ang security service ng mga Montemayor at pinagbabaril si Faye sa harapan ng mga guests. May mga nagsigawan at nataranta, may mga katulad ko na nakatayo lang at in shock.
I couldn't believe what my eyes saw.
Denise is dead.
My first love is dead.
BINABASA MO ANG
MISSING : BIANCA CASTILLO
Historia CortaWhen I left her, I knew that I made the biggest mistake in my life. When I came back to the Philippines, inaasahan ko na masasaktan ko siya. Inaasahan ko din na sasaktan niya ako physically and emotionally. Alam kong mali ako, Bianca. Pero bakit kai...