12: Safe Haven

2.1K 55 0
                                    

Bianca's

Hinatak niya ako papunta sa kotse nila. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at napapayag nila ako.

Parang biglang napanatag ang kalooban ko nang makita ko yung Briggs. Parang kilala ko na siya. Nang ipakilala niya ako kayna Ryder at yung mga babaeng kaibigan din nila, feeling ko matagal na kaming magkakakilala.

Kaanu-ano ko ba sila?

Bakit parang ang tagal ng panahon na hindi ko sila nakikita at nakakausap?

Bakit parang may nabuo sa pagkatao ko?

Sabi nila Bianca daw pangalan ko. Bianca Castillo. Matagal na raw akong nawawala at balita sa buong bansa ang pagkawala kong ito. Nang ipakita sa akin ni Georgina ang picture ng Bianca na yun kasama sila, kamukha ko nga! Para kaming kambal! Mas maikli lang talaga buhok ko kaysa sa kanya.

" Sa tingin mo iuuwi na natin siya kayna Tito?", tanong nung Claire. " Siguradong maiiiyak na naman si tita niyan ngayong natagpuan na si Bianca."

Wow. Ang swerte naman ng Bianca na yan, may mga magulang. Ako kasi wala eh. Hindi ko alam kung nasaan sila. Sabi nina Faye, matagal na daw na namatay ang mga magulang ko dahil sa car accident. Hindi ko alam pero nagdududa ako sa kanila , naniniwala pa rin ako na buhay ang mga magulang ko at makikita ko din sila.

Nang nasa puder ako nina Faye, gusto ko na talagang lumayas. Ilang beses ko itong binalak pero lagi akong nabibigo. Mabibilis kasi silang makaramdam.

Habang nakatingin ako sa mga taong nakapalibot sa akin kanina sa Manila Hotel, naramdaman ko na ligtas na ako. Naramdaman ko ang totoong pagtitiwala.

Alam ko na ligtas na ako.

---------------------------------------------

Bumaba kami katapat ang napakalaking bahay.

"Wow! Kanino to? Napakalaki naman!", sabi ko na may halong excitement. Grabe naman kasi parang mansyon sa laki! May sariling garden at napaka-modern ng itsura. Mayaman na mayaman ang datingan!

Lumapit sa akin si Georgina at nagsabi," Sa inyo yang bahay na yan. You're home,Bianca."

Napanganga ako sa pagkamangha. Grabe lang. D-dito ako nakatira?! D-di nga?! "Weh?!", sabi ko. Natawa sila at sabay-sabay na tumango. Hinawakan ni Georgina ang kamay ko at kumatok.

Nang pagbuksan kami ng maid, agad niyang nabitawan ang hawak niyang walis. " MADAM! SIR! SI MISS BIANCA PO NANDITO NA! MISS BIANCA KAMUSTA NA PO?! HALAAAAAA PASOK PO KAYO!", Papasok pa lang ako ng bahay nang biglang tumambad sa akin ang umiiyak na babae.

Pamilyar siya sa akin! Parang nakita ko na siya!

" Anak! Bianca! Diyos ko po salamat po! Nakoooo!!!", tumakbo sya papunta sa akin at niyakap ng sobrang higpit. " Ang tagal tagal ka naming hinanap! Salamat po Lord! Anak ko!"

Hindi ko alam pero bigla na lang din akong napayakap. It felt right hugging this woman.

Sabi ko na nga ba buhay pa mga magulang ko. Thank you Lord!

Nang makaupo kami sa may sala, nakatingin lang sa akin ang mga magulang ko. The way they dress and they spoke, halatang mayaman talaga. May class. Napakaperfect naman pala ng mga Castillo,sabi ko sa isip ko.

Pinaliwanag ni Ryder ang mga nangyari. Sinabi din nya na sa ngayon may amnesia ako. Nakalimutan ko sila at ang mga magulang ko. Pati nga daw ang pagkatao ko nalimutan ko na rin. Doon na naiyak ang mama ko. Sabi niya imposible daw yun mangyari, ang hirap naman pala daw ng pinagdaraanan ko.

" Kamusta ka noong na kayna Faye ka?", tanong sa akin nung Camille.

" Hindi okay. They said I was a failure,so I tried my very best para makibagay at maging okay sa mga mata nila. Sinabi din nila na namatay na magulang ko at sila daw ang mga taong natira para sa akin. Kumpleto naman nila akong pinapakain, pero other than that, it was a nightmare. And I don't want to talk about it."

Natahimik ang buong kabahayan. Napatingin si Ryder sa kamay ko at agad naman itong hinawakan. Nagulat din siya sa mga paso ng sigarilyo na nakatago sa mga daliri ko.

" Wag kang mag-alala. Wala ka nang mararanasan na ganoon, Bianca. Oh thank God you're here. I miss you. I love you baby! Soon we will work this out. Alam kong nalilito ka pa sa sitwasyon natin but don't worry I will bear with you. Mahal na mahal kita.", he looked at me and kissed my hand.

When he said that, I felt this is why I'm still alive. Ito ang dahilan kung bakit ako naka-survive sa lahat ng mga pinagdaanan ko.

I'm still here because of one pretty thing..... RYDER


" I think I need to know more about this Bianca.", they all smiled when I told them my decision.

MISSING : BIANCA CASTILLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon