7: Who would have thought

2.2K 61 0
                                    

Ryder's

" Paki-research nga kung sino siya. Kakaiba nararamdaman ko tungkol sa kanya,Julia." Inabot ko kay Julia ang litrato ni Kaiden na binigay sakin noong nakaraan ni Eric.

Since the day we met, Kaiden was getting nicer to me. Ayaw ko man mag-isip ng masama pero may something sa pagiging mabait niya. May mga instances nga na pinagluluto pa niya ako kapag napapadaan ako sa condo niya since mayroon daw syang updates kay Bianca.

If may nakikita siyang evidences,bakit hindi niya ilabas sa media? That girl is so weird.

" Uy ang ganda naman po nito Sir.", sabi ni Julia habang nakatitig sa litrato. " Model po ba ito or what?"

" Sabi niya may alam daw siya kay Bianca. Pero atin lang ito Julia ha, may something sa babaeng yan. Masama ang nararamdaman ko sa mga kilos niya.", buong tapang kong sinabi. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin ulit sa litrato.

" Sir, parang wala naman po sa itsura niya.."

" Looks can be deceiving, Julia. Make sure to update me with that Kaiden Sutherland."


Nang makalabas naman ang sekretarya ko, biglang nagring ang telepono.

" Hello?"

" Hey Ryder. Nakakaistorbo ba ako?"
Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Kilalang kilala ko ang boses na ito!!

Si Denise!

Last time I checked the day after she rejected my proposal ang huling tawag niya sa akin.

This must be very important. I breathed heavily and talked,

" Hindi naman. Why?"

" I want to invite you next week. Formal attire ha?"

" Why?"

" I'm getting married! Isn't it exciting? Hahahaha!"

.....

....

....

WHAT?! KANINO? KAILAN? BAKIT?!

" With who?", I asked. Natawa siya sa kabilang linya,

" Remember Anton Luna way back in college?"

" Yung laging inaasar ka at pursigido sa panililigaw sayo habang tayo pa noon?"

" Yes! Well who would have thought na siya ang mapapakasalan ko! I can't wait! I'm so excited Ry!" Halos mapasigaw na siya sa kasiyahan.

" Kalma! Hahaha! Baka naman atakihin ka ng asthma niyan sa excitement mo" , paalala ko. Knowing her, may cases na sa sobrang excitement siya inaatake siya ng asthma. Nakakaawa pa naman yan kapag di na nakakahinga.

" Basta attend ka ha. I'm expecting your presence in my wedding. And please, no hard feelings na ha? It's been 4 years na Ry. "

Napangiti ako sa narinig ko mula kay Denise. Mula mismo sa kanya ang paghingi ng tawad na hirap na hirap nyang banggitin noon. Nag-mature na nga talaga kaming dalawa.

After all, sino ba ako para di tanggapin ang pagpapatawad at imbitasyon niya? She was my bestfriend and all I want for her simula pa lang ay makita siyang masaya.

" Sure. Basta wag masyadong excited ha?", sabi ko ng matawa-tawa. She laughed heartily and ended the call.

Babalik na sana ako sa pagpirma ng papers nang tumawag na naman si Denise,

" I forgot. Aattend din si Drake Montemayor, his dad was my ninong kasi. Okay lang ba sayo?"

" Yeah sure."

" Thanks!"


Drake Montemayor attending my ex's wedding? Very interesting.

MISSING : BIANCA CASTILLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon