QUICK INFO:
Name: Adrian Perez
Nick name: Andy
Fave color: Blue
Fave food: Monggo
Like: Anime, LOL
Dislike: Plastik na tao, sinungaling.
___________
NAGPUNTA AGAD ang grupo nila Inaque sa may club room para mag pulong. Ngayon ang kanilang misyon ay hanapin ang tumakas na si George na ngayon ay nasa katawan ni Andy.
"And whos that?" Tanong ni Philip na nakabusangot ang mukha.
"Si Andy yan!" Sagot naman ni Anika.
Tinignang maigi ni Philip ang mukha ni Andy. "Wait lang, ako lang ba ang iba ang tingin sa mukha ni Andy or what. Bakit parang iba? Nanaginip bako?"
"Nope hindi ka namamalik mata. That is Andy in the body of someone else. Kaya ni Andy na ilipat ang kalukuwa niya sa ibang katawan." Paliwanag ni Anika?"
"Talaga ba? Pero pano nangyaring...?" Naglakad narin si Maddy papalapit kay Andy.
"So kung nandito sa katawan ni George and spirit ni Andy then ang spirit ng lalaking ito ay nasa katawan ni Andy?"
"Rigth. Kaya nga dapat nating malaman kung saan nagpunta si George. I mean yung fake Andy." Pagtatama ni Anika.
Tinignan ni Inaque ang lahat ng myembro ng club. "Anything can contribute on knowing where is Fake Andy is?"
Tumaas ng kamay si Colby. "Alam ko kung saan ang dormitory ni George. Dati ko siyang kaibigan kaya lang apprently. Mahilig talaga siyang makipag basag ulo kaya mas pinili ko nalang na lumayo sa kanya."
"Oh yun naman pala eh. Ano pang hinihintay natin. Lets go! Excited na sabi ni Jayden.
"Nope. Jayden, Spencer, Anika and Maddy. Dito kayo around school maghahanap. While the rest duon tayo sa dormitory ni George maghahanap."
"Split group!" Sabi ni Jayden.
"Exactly." Pagkatapos ay tumingin si Inaque kay Colby. "And now saan ba ang location ng dormitory ni George?"
"Well sa may labas ng campus." Pagtatapos ni Colby.
-----
KUNG MAY SASABIHIN si Andy sa dose anyos sa bersyon ng kanyang sarili ay ito ay ang magpakatatag siya. Dahil sa maraming pagsubok ang darating sa buhay niya. Una ang pagkamatay ng kanyang mga magulang sa isang car accident, pangalawa ang pagiging independent niya in such a young age at ang pangatlo ang nakakabaliw na kapangyarihan niya. Pero ito ang reyalidad ng buhay wala siyang magagawa kundi yakapin ito. His destiny, humis faith. Tila nakataya ang kanyang buhay sa isang laro na hindi niya alam kung saan matatapos.
Habang papunta sa dormitoryo ni George ay muling naalala ni Andy ang panahon kung saan niya naramdaman na tila may iba sa kanya.
Tatlong taon na ang nakararaan ng mag overnigth sleep siya kasama ang mga malapit niya kaklase. Gagawa kasi sila ng project sa araling panlipunan. Ito na ang last resort nila para pumasa sa naturang subject. Alas dose na umaga ng matapos sila sa kanilang pasisiyasat.
Sa sobrang pagod ay agad na nakarulog si Andy. Nasa kahimbingan siya ng kanyang pagtulog ng bigla siyang nakaramdan ng panlalamig ng katawan. Gumaan din ang kanyang pakiramdam. Tila'y lumulutang siya sa ere. Pagmulat niya ay nakita niya ang kanyang sarili na tila lumilipad. Gusto niyang magsalita ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. Tumingin siya sa ibaba. Mula duon ay kanyang nakita ang kanyang sarili, natutulog. Mas lalo siyang kinabahan. Binabangungot ba siya? Kung ganun ay gusto na niyang magising!
Para siyang lumalangoy ngunit wala sa tubig. Kunumpas niya ang kanyang kamay pailalim malapit sa katawan niya. Pinagmasdan niya ito, hindi ito humihinga. Mas lalo siyang kinabahan. Pero dapat niyang gawin ay ang bumalik sa loob nito. Dinadamba niya ang sarili niya sa kanyang walang buhay na katawan pero walang nangyayari. Tumatagos lamang siya dito. Andy was so depressed. Naka ilang balik din siya pero walang nangyayari. Hanggang sa bigla niyang hinawakan ang kanyang walang malay na mukha. Muli siyang pumikit ng mahigpit at tinuon ang sarili sa kanyang katawan.
It was miracle. Naramdaman niya ulit ang tila pagpasok niya sa kanyang katawan kasabay ng isang bugso ng malamig na hangin. Sa muli niyang pag mulat ay basang basa siya a pawis. Akala moy isang kilometro ang tinakbo niya. Kinurot niya agad ang kanyang pisngi. Nakaramdam niya ang sakit. Ngunit ang mga kaganapang iyon ay tinuring lamang ni Andy na isang nakakatakot na panaginip at hindi totoo. Hanggang sa madiskubre nga niya ang kanyang pambihirang abilidad.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AdventurePart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)