"OH AKING PRINSESA, akin na ang iyong kamay." Kung todo acting si Andy ng tumuntong na siya sa intablado. Ang kanilang guro na si Mr. Amador at ang kanyang mga kaklase ay nakatingin lamang sa kanya. Sino ba naman ang mag aakalang may naitatago rin pala itong talent sa pag acting.
"Bravo ijo bravo!" Tumayo pa ang guro sa kinatatayuan nito. Pati ang kanyang mga kaklase ay nagpalakpakan din. Buti na nga lamang at wala dito sila Maddy dahil pagtatawanan lamang siya ng mga 'to.
"Adrian Perez. Hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili ko bilang Guzman. Kuhang kuha mo ang kisig ng character. Para akong nanonood sa teatro."
"Talaga po ba?" Hindi rin siya makapaniwala. Ang totoo niyan ay first time niyang ginawa ang ganun. Ang umarte.
"Oo you seems natural." Pagpapatuloy nito. "Nako basta palagi nyo lang ipraktis lahat ng line ninyo. Pwedeng mag adlib basta malapit sa keyword. Naintindihan ba?"
Tumango lamang siya at nagpasalamat. "Okay po Sir." Pagkatapos ay umalis na ito.
"Todo puri sayo si Sir ah." Lumapit sa kanya si Luis Sambran.
"Oo nga eh. Hindi ko alam na magugustuhan niya yung acting ko." Pagkatapos ay bumaba na sila ng entablado.
"Basta bukas mate praktis daw ulit tayo." Kung siya ang nakakuha ng main role ay nakuha naman ni Luis ang role ng kontrabida. Gwapong maituturing si Luis ngunit dahil sa pang kongrabida looks nito kaya siguro ito ginawang pang second best.
Si Andy nalang ang tao sa loob ng teatro. Natagalan siyang lumabas dahil nasira ang zipper ng bag niya. Halos minuto rin 'yun bago niya naayos. Pagka ayos ay sinukbit na niya 'yun sa kanyang likuran at naglakad na ng tearher hall. Ngunit ng malapit na siya ng pintuan ay saka siya nakaramdam ng kakaiba. It was an erree feeling at hindi niya gusto 'yun.
Lumingon siya. Tinignan niya ang bawat upuan, ang intablado, pati narin ang mga pintuan ng teather ngunit wala siyang kakatwang nakita.
"Bulaga!" Isang presensiya ang bigla siyang ginulat mula sa kanyang likuran. Si Maddy pala 'yun na kakatapos lang din ng klase sa History.
"Ay kabayo!" Nabwisit agad si Andy ng makita ang natutuwang mukha ng kaibigan. Akala niya kasi na kung anong multong ginulat siya. "Last nayan ah!"
Tumatawa parin ang dalaga. "Alam mo ang cute mo pala pag nagugulat. Lumalaki yang mata mo."
"Eh kung ikaw kaya ang palakihin ko ng mata, para malaman mo!"
"Okay sorry na, chill kalang." Pagkatapos ay sinilip ni Maddy ang loob ng hall. "Ay tapos na, hindi mo naman sinabi na maaga pala yung practice nyo dapat napanood ko."
"No need, saka baka pagtawanan molang ako."
"Alam mo grabe ka sakin. Hindi naman ako ganung tao noh. Oh siya lika na."
"At saan naman tayo pupunta?"
"Saan pa eh di sa club at may papakita ako sayo." Pagkatapos ay hinila na siya nito palabas.
Unang pumasok ng club si Maddy. Pagpasok ni Andy sa loob ay nakita niya na halos kompleto ang grupo. Maliban kay Jayden na nasa bakasyon pa kasama ang biological father nito at si Iñaque na nasa ospital pa at nagpapagaling.
Tahimik ang lahat pag pasok niya. Pinagmasdan niya ang bawat isa. "Teka anong meron? May bad news ba?" Pagtataka niya.
"Wala naman." Tumayo na si Philip. "Actually ay napag desisyunan namin na habang wala pa si Iñaque at magpapagaling ay ikaw muna ang magiging Presidente ng club natin." Pagsisiwalat nito.
"Ano bakit ako?" Hindi na maipinta ang mukha niya.
"We thougth na nandiyan ka kapag kailangan namin ng tulong, on point ang mga decision mo, matalino ka naman. Kaya ikaw ang napili namin. Diba guys!" Sabi ni Anika.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AdventurePart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)