QUICK INFO
Name: Jayden Soriano
Nick name: Jayden, Jade.
Fave color: Scarlet
Fave food: Chapseuy
Like: Her pet
Dislike: Rock music
_____________
"KUMUHA KA NG TATLONG BARAHA." Wika ni Fern na seryoso ang mukha. Bilog ang buwan ngayon. Na ayon kay Fern ay malakas ang kapangyarihan niya upang makapang hula.
Sa kabilang banda ay nakupo naman si Jayden. Ang totoo niyan ay hindi naniniwala si Jayden sa mga hula. Kaya nga tinawag na hula dahil wala itong kasiguraduhan, hindi totoo. Tiyamba! Kung hindi lang sa kaibigan niyang si Maddy ay hindi niya ito susubukan.
Sa loob lamang ng kwarto ni Fern ginagawa ang panghuhula. Talagang pinatay nila ang ilaw para mqgkaroon sa konting drama, nag sindi pa sila ng apat na puting kandila para sa silangan, hilaga, timog at kanluran. Ito daw ang magsasala kung meron mang mga negative vibes na ditoy masasagap.
Kumuha si Jayden ng baraha. Nilagay niya 'yun sa harapan ni Fern.
"Final naba yan?"
Tumango naman siya.
"Okay kung final na." Pagkatapos ay kinuha nito ang tatlong baraha. Tinihaya ang una. Ang baraha ay the King. "Isang lalaki ang iyong makikilala. Na magbabago ng iyong tadhana." Pagkatapos ay tinihaya ang pangalawa. Ang baraha ay the Key. "Isang lihim ang iyong malalaman, isang lihim ng iyong nakaraan." Wika ni Fern na lumalaki pa ang mga mata. At tinihaya ang pangatlo. Ang baraha ay the sword! "Isang trahedya ang mangyayari sa hinaharap kaya mag ingat ka." Sabi ni Fern. May paghawak pa ito sa kamay niya. Pagkatapos ay umayos ito ng upo. "Pero ang mga baraha ko ay tanging gabay lamang. Sa huli ay ikaw parin ang gagawa ng iyong kapalaran."
Excited na inantay siya ni Maddy sa labas ng kwarto. Napatayo agad ito na nagbabasa ng isang nakakatakot na libro. "Anong sabi, malalaman mo nadaw yung powers mo. Kailan?"
"Wala. Puro walang kabuluhan lahat ng mga sinabi nung kilala mong manghuhula kuno."
"Sigurado ka. Eh bakit naman ako nahulaan niya nung sumali ako sa club nila Iñaque."
"Nako! Nagkataon lang 'yun. Saka siya narin ang nagsabi na her hula is just a guide." Tinignan ni Jayden ang binabasang libro ni Maddy. "Ano nanaman yan?"
"Red Moon. Alam mo maganda to, halos ten times ko na yata tong binabasa pero hindi ako nagsasawa." Inilapit pa ni Maddy ang libro sa mukha ni Jayden."
"No thanks friend, hindi ako mahilig sa horror." Kinayag na ni Jayden ang sarili. Aalis na sana siya at babalik na ng dorm ng pagikot niya ay isang lalaki ang agad niyang nakabangga! Nahulog ang mga librong hawak nito.
"Nako sorry po."
"Its okay." Pagtingala ni Jayden ay agad niyang nakita ang anyo nito. Maputi, medyo singkit ang mga mata, medyo buff ang katawan at walang dudang gwapo ang itsura nito. "Are you okay, may dumi bako sa mukha?"
Umiling iling naman si Jayden nang tila nagising sa kanyang pag da daydream. "Nako wala po Sir!" Walang duda ang nakabangga niya ay ang bagong lipat na guro na si Mister Enrico De Leon.
Tumayo na ito ng tuluyan ng nakuha na nito ang mga libro. Ang huli pa nga ay siya pa ang kumuha. Pinatong niya 'yun sa pinaka ibabaw. Pagkatapos ay saka ito umalis.
Humiga agad si Jayden pagpasok niya ng kanyang kwarto. Hanggang sa pag higa ay nasa isipan parin niya ang mukha ni Sir. Enrico. Hanggang sa bigla niyang naalala ang sinabi ng manghuhula na meron daw siyang makikilala na lalaki. Bumaling siya ng higa at nilagay ang isang mahabang unan sa pagitan ng kanyang hita. "Nako hindi pwede!" Asik niya. Baka nagkalataon lamang ang lahat. Besides ay marami naman siyang nakikilalang mga lalaki sa campus kaya malamang sa malamang ay hindi si Sir. Enrico ang nasa hula.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AdventurePart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)