ISANG ITIM NA TELA ang inilagay at tinapat sa may pintuan ng clinic. Simbolo iyon ng pagkamatay ng isa pinaka mabait na nurse ng Emilio De Jesus high school na si nurse Joy.
Nilagyan din ng litrato ang pintuan ng clinic at pinalibutan 'yun ng mga puting kandila. Pati si Jayden ay hindi mapigilan ang pag luha habang naalala niya ang huling pakikipag usap dito. Pati siya ay nabigla ng bigla itong pumanaw.
"Grabe napaka bata pa ni Nurse Joy para mamatay!" Wika ni Maddy na tumabi sa umiiyak na si Jayden. Nasa likod sila ng puno na tanaw mula duon ang clinic.
"Maddy may ipagtatapat ako sayo."
Tinignan niya ang kaibigan. "Ano yun?"
"Kasi nung huling pakikipag usap ko kay nurse joy sa clinic. May nakita akong number sa noo niya."
"Number sa noo. So anong ibig sabihin nun?"
Pinagmasdan ni Maddy ang kaibigan. Kahit hindi ito magsalita ay tila alam na niya ang ibig nitong sabihin. "Oh my God! Huwag mong sabihin na natuklasan mona ang powers mo!!!"
"Ewan ko, maari, parang ganun na nga." Halatang naguguluhan si Jayden. Tuliro ito. Pagkatapos ay hinawakan naman siya ni Maddy sa magkabilang balikat.
"Okay rekax kalang kasi. Naninibago kalang. Ganun lang 'yun."
"Oo nga sobrang nakakapani bago."
"Pero teka so nalaman mo na mamatay si Nurse Joy ganun ba?"
"Kind of. So diba nga sinabi ko na may nakita akong number sa forehead niya. I think na indicated yun kung ilang araw na lang ang days niya to live."
Tila natulala si Maddy sa explaination niya. "Wow ang galing naman!"
"Anong maganda dun?" Muling tinignan ni Jayden ang pintuan ng clinic. "Eh wala naring yung pinagkaiba sa makikita mo ang isang taong mamamatay na."
"Well tama ka naman dun. Saka pasensiya kana sa excitement ko ah. Alam mo naman na fascinated ako sa mga ganyang topic." Ngumiti ito.
"Alin dun, yung finally nalaman kona yung powers ako?"
"Hindi, yung tungkol sa kamatayan! Pagtatama ni Maddy.
-----
TUNAW na ang mga kandila sa harapan ng clinic ng magpunta 'dun si Jayden. Sa wakas ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob na pag alayan ng kandila si nurse Joy.
Dala ang isang puting kandila ay binuksan niya 'yun. Paglatapos ay inilgay sa may gitna malapit sa malaking litrato nito.
Kung alam niya lang. Kung alam lamang niya sooner na mamatay ito ay sana'y mapigilan pa niya 'yun. She felt a liitle guilt. Napahawak siya sa kanyang dibdib habang pinipigilan ang luha. Paulit ulit na binabanggit ang salitang sorry sa kanyang isipan.
"Let it out. Ilabas molang yan." Isang presensiya ang lumapit. Si Sir. Enrico. "Alam mo ang sabi nila na mas maganda daw na inilalabas natin ang gusto nating emosyon sa pamamagitan ng mga bagay. Pagbabasag ng pinggan, pag sigaw pag kanta, pag sayaw at pag iyak."
Mapahawak na sa kanyang labi si Jayden. Pagkatapos ay saka na siya hagalpak ng iyak.
Ilang minuto ring tumagal bago humupa ang sakit ng kanyang nararamdaman. Mas minabuti muna ni Jayden na umupo sa may parke para magpahinga kasama si Sir. Enrico.
"Panyo oh." Inabot ni Sir. Enrico ang panyo sa dalaga.
"Alam mo. I feel the same way nung nawala ang asawa ko. Fifteen years ago. Ganun pala kasakit 'yun no. Akala ko over acting lang yung mga napapanood mo sa mga tele serye."

BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AdventurePart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...