HALOS MAPUNO na ng pangalang black star ang likurang bahagi ng notebook ni Andy sa pagsulat niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin mawala sa kanyang isipan ang misteryosong tao na gumagambala sa tahimik niyang buhay. Ano nanaman kaya ang kinalaman nito sa S club? Meron nga ba itong kinalaman o nagkataon lamang ang lahat? Ang susing binigay nito. Para saan kaya ito? Hindi naman ito susi ng black box dahil medyo malaki yun ng konti.
"Ayyy kainis!" Angil niya habang dumarating si Maddy sa club room.
"Oy ano nanaman yang kaartihan nayan?" Tuluyan na itong tumabi sa kanya. "Ang sabi ko naman sayo na huwag mong pag iisipin yang mga bagay nayan, at bakit. Mabibigyan kaba niyan ng kotse, ng pagkain at ng mataas na grades?"
Kumunot ang noo ni Andy. "At bakit naman napunta grades ang usapan. Saka bakit ba eh sa hindi nga ako mapakali sa mga pangyayari. Alam mo 'yun. Bakit ba sa lahat ng mga misteryo sa school nato ay sa akin lahat nagkakataon 'yun napunta.
"Eh kasi nga huwag mong saluhin lahat kuha mo." Tinignan siya ng masama ni Andy. " or we can say nagkataon lang." Pagkatapos ay nilagay ng dalaga ang kamay sa baba na tila nag iisip. "Pero alam mo, iniisip korin na maari kayang konektado si black star sa S class? Sa palagay mo?"
"Actually iniisip ko narin yan." Tapos ay kinuha ni Andy ang panibagong susi sa bulsa ng kanyang pantalon. Pinagmasdan. "Pero the one million question for now ay para saan itong susi na 'to?"
"Maaring susi ng sasakyan, o kaya eh motor!" Hula ni Maddy.
"Seryoso ka, at ano naman kaya ang kinalaman ng motor sa s class?"
Ilang sandali pa ay dumating si Spencer sa club. May dala itong cake na nigawa daw nila kanina. Chiffon cake iyon na may pink frosting. Nilapag nito ang cake sa lamesa. "Oh bakit parang mahal na araw yang mga face ninyo."
"Pano itong si Andy meron nanamang iniisip na problema. Si black star."
"Sinong black star?" Tanong ni Spencer.
"Si black star, yung misteryosong lalaki na sumulpot sa play namin nung isang araw at nagbigay pa ng susi." Kwento niya.
"Susi?" Tuluyan ng umupo si Spencer. "Anong susi, ng black box?"
"Buti nga kung sa black box eh, pero hindi." Sabi ni Andy. "Ikaw sa palagay mo, any idea."
"Well kung ako ang tatanungin maybe susi ng kwarto, o di naman kaya susi ng jewelry box?" Hindi pa ito sigurado sa huli nitong sagot.
"Well okay mas okay naman ang jewelry box kaysa sa susi motor." May konting pagtawa si Andy habang nagsasalita.
"Either way kung ano man yan ay isang tabi muna natin dahil gusto kong tikman ninyo ang ginawa naming cake kanina." Nagpunta si Spencer sa may lamesa at binuksan ang box ng dala niya. Pagkatapos ay hiniwa 'yun.
"One for you." Tapos ay binigyan niya si Andy, "and one for you." Tapos ay binigyan naman niya si Maddy. "Enjoy!" Sabi pa nito.
-----
Kulay rosas na may pagka kahel. Yan ang kulay ng lipstick na ibinigay ni Anika kay Maddy nang magpang abot sila sa club nung isang araw. Try naman daw niya ang mag ayos para may magka gusto sa kanyang lalaki.
Tumaas ng bahagya ang kilay ng dalaga habang nakaharap sa salamin ng banyo. Sabagay sa tinagal na niyang nabubuhay sa mundo ay hindi siya gumamit ng kahit na anong kolorete. Natural beauty ang labanan kung baga, pero aminin din niya na naiinggit din siya sa mga babaeng nakikita niyang gumaganda ang itsura dahil sa make-up.
Lip bam, lip stick, lip tint, eye liner, at eye shadow. Siguro sa dinami dami ng make-up terminologies ay isa lamang ang kilaka niya. Walang iba kundi ang jonson baby powder at yung puti pa.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AventuraPart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)