S CLASS
2021-2022 by AzulanAng mga pangalan ng tao, bagay, at mga pangyayari ay nagkataon lamang at hindi sinadya ng may akda.
Ang pag lilimbag, pag kopya, pag salin sa ibang plataporma o sa ibang lingwahe ay mahigpit na ipinag babawal kung walang pahingtulot ng may akda.
All right reseved.
_______________________________
PAGKA BABA palang ni Adrian ng kotse ay alam na niya na ito na ang simula ng pagbabago ng kanyang buhay. Inakbayan siya agad ng kanyang Tito Claudio sa balikat.
"What do you think, pakiramdam mo ba ay mag eenjoy ka dito sa new dormitory mo?"
Pinagmasdan ni Andy ang paligid. It was an old dormitory na tila nahahanay sa antigo at nakakatakot na pelikula. Yung tila pinagbabahayan ng drakula, maligno at isang kaluluwang hindi matahimik.
"Sa tingin ko...?" Sagot niya.
Dito daw napili ng kanyang Tito Claudio na siya'y mamalagi dahil secured daw ang lugar. The said dormitory had a six cctv. Dalawa sa front door, dalawa sa may first floor, dalawa din sa may second floor at isa sa may roortop. Pakiramdam tuloy niya na sa oras na pumasok siya dito ay hindi na siya makaka labas pa.
Tuluyan na silang naglakad papaloob. Pag tigil nila sa isang banda ng lugar ay isang matandang babae ang lumabas ng pintuan. Naka balunbon ang buhok nito na puros puti na ang buhok.
"Kayo ba ang bagong lipat na estudyante?"
"Yes Maam. I'm Claudio Perez and this is my Nephew..." hinawakan ni Claudio sa balikat ang pamangkin. "Si Adrian."
Tinignan naman ni Aling Rosa si Andy. Mula paa hanggang ulo. "Mukha kang mabait na bata." Ika nito, pagkatapos ay tumalikod. "Halikat ihahatid kona kayo sa magiging kwarto mo."
Habang naglalakad ay pinagmasdan ni Andy ang paligid. Nakakatakot ang makapal na katahimikan, rinig na rinig nila ang mga tapak ng kanilang paa sa sobrang tahimik.
"Pinapangunahan kona kayo. Ayokong pasaway." Pangunguna ni Aling Rosa. Pag dating ng alas otcho ng gabi ay ayokong makakarinig ng ingay. Bawal din tumanggap ng mga bisita kapag walang paalam." Kinukumpas nito ang kamay habang nagsasalita. "Kung may gagalawin kayo sa kwarto ay magpapaalam muna kayo sa 'kin lalo na kapag mag bubutas kayo ng pader, kada butas isang daan." Pagkatapos ay bigla itong tumugil, humarap ito kay Andy. "At higit sa lahat ay ayoko ng sinungaling. Naiintindihan moba?"
Sa sobrang dami ng sinabi ng matanda ay parang nakinig narin siya ng misa. Tumaas ang kilay ng nito.
"Opo. Super duper naintindihan ko." Sabi na lamang niya.
"Well mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Ito nga pala ang susi kwarto mo." Pagkatapos ay binigay ni Aling Rosa ang susi.
-----
"SO PAPAANO, hanggang dito nalang ako." Muling ngumiti si Tito Claudio sa kanyang pamangkin na si Andy. Alam ni Andy na maaring matagal na silang muling magkita nito kaya nakakahiya man ay bigla niya itong niyakap, mahigpit 'yun. Pakiramdam niya ay kayakap narin niya ang kanyang Ama. Hinaplos naman nito ang buhok niya at bahagyang ginulo 'yun.
"Itong batang ito. Bakit parang nagiging madrama ka nitong mga nakaraang araw, magkikita pa naman tayo, huwag kang mag alala. Basta yung mga bilin ko sayo huwag mong kalimutan."
May mumuntung luha na sumilay sa dulo ng mga mata nito. Nasa labas na sila ng boarding house.
"Opo Tito and Tito siya nga pala..."
"Ano 'yun?"
"Tito I'm sorry."
"Sorry para 'san? Wala ka namang ginawang kasalanan. Kung sa misundertanding ng Tita Eloisa mo ang ibig mong sabihin huwag mo ng intindihin yun. Ganun lang talaga pang tumatanda." Muling tumahimik silang tawala. "And I guess na mabuti narin na dito ka muna."
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AventuraPart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...