Day 2 - Funta FuegoBUSONG NA BUSOG SILA ANDY sa breakfast nila mgayong umaga. English breakfast ang inihain sa kanila ng Funta fuego hotel. Ito ay binubuo ng ham, egg, sausage, bread at coffee.
Napadantay si Andy sa beranda ng lobby kung saan sila naroon ngayon pagkatapos kumain. Mula duon ay tanaw ang beach at ilang establisyimento. Sa kanyang pag tanaw ay hindi rin niya makalimutan ang mga pangyayari kagabi. Ang tungkol sa laro, ang misteryosong si Wiliiam, at ang sinabi ni Maddy.
Paulit ulit sa kanyang isipan ang mga katagang gusto kita. Muli ay bahagyang tumibok ang kanyang puso. Totoo kaya ang mga sinabi sa kanya ni Maddy o nasabi lang nito 'yun dahil lasing ito? Diba nga na hindi daw nagsisinungaling ang lasing? Bahagya niyang ginalaw galaw ang kanyang ulo ng mabilis. Kung totoo nga 'yun ay kailan pa kaya siya simulang nagustuhan ng dalaga. Kaya pala minsam ay tila matamis ang mga ngiti nito sa kanya.
"Hi! Anong iniisip mo?" Sabi ni Maddy na bigla na lamang dumating. Bahagya siyang nataranta.
"Ikaw, este! Yung game kagabi."
Natahimik ito. "Eh bakit parang namumula ka diyan?" Tanong ng dalaga.
"Ako namumula?" Bahagya rin niyang hinawakan ang kanyang pisngi. Pilit na binubura ang bakas ng pamumula nito kahit ba imposibleng mawala 'yun.
"Ano ba kasing meron diyan? Akin na tignan ko." Bahagyang lumapit si Maddy sa kanya at tinanggal ang kamay niya sa pisngi, tapos ay sinuri 'yun. "Oh anong meron diyan eh wala naman.
Her eyes. Di hamak na mas malapit ito sa kanya ngayon. Bahagya niyang naamoy ang hininga ng dalaga. Amoy kape 'yun. Then suddenly their eyes met. Ilang segundo rin silang nagtitigan. Tila ang mga mata ni Andy ay kinakausap ang mga mata ni Maddy. Tapos ng mapagtanto nila ang pangyayari ay bigla na lamang silang lumayo sa isat isa.
"Ah eh sorry!" Nagsimula naring namula ang pisngi ng dalaga.
"Sorry din." Bigla namang tumungin si Andy sa beach kunyari.
"Ahh ehh Andy... kasi na kwento ni Anika kagabi na nalasing daw ako."
Mas lalong bumilis ang tibok ang puso ng binata.
"Gusto kolang mag thank you sayo... dahil ikaw ang naghatid sakin sa kwarto."
Timingin ulit dito si Andy. "Yun ba... ahhhmm."
"Saka isa pa..." bigla itong napahinto. "May ginawa ba akong wirdo or nasabi?"
Tinignan siya ni Maddy sa mata. He dont know kung magsasabi ba siya dito ng totoo o hindi. " well yung tungkol 'dun... ahhmm wala naman."
Napapikit ang dalaga. "Nako thank god at wala naman. I thougt eh may nasabi ako kung anuman or nagwala." Pagkatapos ay patay malisya nalang siya. Pero sa kalooban niya ay puno 'yun ng kaba ay konsensiya.
"Andy!" Ilang sandali pa ay isang presensiya naman ang bigla na lamang dumating. Malayo pa lamang ay kumakaway na ito.
"Sino 'yun?" Tanong ni Maddy.
Pinaliit pa ni Andy ang kanyang paningin. Sinisipat kung sino 'yun. Hanggang sa pag lapit ay saka niya ito tuluyang namukhaan. Bigla siya nitong niyakap. "Oh ano nakalimutan mo agad ako?" Tanging nasabi ni William. Habang si Andy naman ay hindi na nakapag salita at tanging tingin lamang ang naisinagot dito.
---
Tiga saan kaya siya, Bakayonista ba siya o hindi, nandito pa kaya siya sa isla o wala na? Maraming mga tanong ang bumabagabag ngayon sa isipan ni Spencer habang naglalakad. Gusto man niyang alamin kung nasaan na kaya ang babaeng nakilala niya kagabi ay wala siyang ideya.
![](https://img.wattpad.com/cover/263921296-288-k319020.jpg)
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AdventurePart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...