TULIRO HABANG NAKATINGIN NGAYON SI ANDY sa isang malaking larawan na nasa gitna ng lobby ng hotel. Sa tinagal nila sa hotel ay ngayon lamang niya napansin ang litratong 'yun. May bigote ang lalaki sa litrato na tila ay pinagmanasdan siya, para itong buhay.
"Andy anong nangyari kay Maddy?" Dumating na sa eksena sila Spencer, Philip at Anika.
Malakas ang pakiramdam niya na may nangyaring masama kay Maddy. Ngayon pa bang alam na niya ang pagkatao ni William. That William is supposed to be a serial killer!
"Ano si William ang Serial killer?" Napalakas ang boses ni Philip.
Sumenyas naman agad si Andy na hinaan ang boses. "Hindi pa namin sigurado pero base sa mga ebidendiya na nakita namin sa kwarto niya kanina, maaring siya nga ang kumidnap sa mga nawawalang babae dito sa isla."
"Anong gagawin natin ngayon?" Sabi naman ni Anika.
"May dala bang cellphone si Maddy?" Tanong ni Andy.
"I dont know." Sagot naman nito. "Pero parang meron ata siyang dala kanina. I can't remember eh." Pagkatapos ay bigla na lamang kinuha ni Andy ang cellphone ni Anika sa bulsa ng suot nitong pantalon. "And what are you doing?"
Tinignan naman siya ng masama ni Andy. "Investigating ano paba!" Mula sa may telepono ay sinubukan niyang i message ito sa messanger. "Tignan natin kung sasagot si Maddy."
"Nako sana naman okay siya. Pero paano kung may ginawa ng masama si William sa kanya? Oh my! tatawag naba tayo ng pulis?" Anas ni Anika.
"Huwag muna, isa pa hindi pa natin sure kung ano nga ang mga ibig sabihin ng mga bagay sa kwarto ni William." Sabi ni Andy.
"Really dude. Eh sa palagay mo. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga damit na may dugo at mga gamit ng mga babae sa kwarto niya? Ano 'yun collection?"
"What! May mga nakita kayong dugo sa kwarto ni William. Much better nga na ipaalam na natin yan sa pulis!" Gulat ni Anika.
"Anong sa palagay mo Andy?" Tumingin sa kanya si Colby.
Gulo parin ang isipan ni Andy hanggang ngayon. "Gan'to nalang. Mag split tayo sa pag hahanap. Ikaw Anika and Colby duon kayo sa may bar, kayo Philip and Spencer dun kayo sa may beach. At ako banda dun ako maghahanap. Ano deal?"
"Ikaw lang mag isa?" Tanong ni Colby.
Tinapik naman niya ito sa balikat. "Oo much better na samahan mo si Anika"
"Okay copy dude!"
"Basta kung meron mang update mag text lang kayo ah okay." Pagkatapos ay nagtanguan ang lahat.
Ilang sandali pa habang papunta si Andy sa pamilihan ng mga souvenir upang magtanong ay biglang tumunog ang cellphone ni Anika. Nasa bulsa parin pala niya 'yun. Mabilis pa sa alas dose na kinuha 'yun ni Andy. Binuksan niya ang messanger at swerteng si Maddy ang sumagot. Isang larawan ang pinost nito. Kuha yun sa isang burol!
"Ano to?" Tamang tama naman na may parating na isang bell boy. May dala itong cart na puno ng mga linens. "Ay excuse me po. Pwede pong magtanong. Saan po kaya ito?" Pinakita naman ni Andy ay litrato.
"Ay ito ba..." sabi ng lalaki. "Sa may burol to. Paloob pa sa may gubat.
"Malayo ho ba ito dito?"
"Medyo malayo. Basta sundan mo lang ang pasukan papuntang gubat. Pag dating mo sa malaking puno ng balete ay kumaliwa ka."
"Maraming salamat po!"
Magsasalita pa sana ang lalaki upang balaan siya pero agad na siyang nakatakbo.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
PrzygodowePart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)