QUICK BIO
Name: Colby Altamirano
Nickname: Colby, Cole
Fave color: Silver
Fave food: Nothing in particular
Like: Cooking
Dislike: Bitter
________________
BUMUKAS ang mga mata ni Colby. Mataas na ang sikat ng araw. Hudyat na iyon upang maghanda na at mag prepera para sa kaniyang misyon ngayong umaga.
Tuluyan na siyang bumangon sa kama. Tamang tama lang ang pag gising niya para magpunta ng culinary club. Ang totoo niyan ay hindi siya nakatulog kagabi sa kakaisip kung ano nga ba ang magandang dish na ipanglalaban nila sa contest. Delicious but pasok sa budget ang tema ng contest ngayon taon. Nag research siya talaga para dito. Pinag handaan.
Pinag balanse niya ang mga gulay, karne at mga condiments upang makuha ang tamag lasa at budget sa dish na gagawin niya.
Tatlo sila sa team. Sila Alexa Malabanan mula sa Section Pearl, Augustos Calumpit mula naman sa section Silver at siya mula naman sa Section Platinum.
Pag dating ni Colby sa culinary club ay nadatnan niyang naghihiwa na ng gulay sila Alexa at August. Hinagis naman agad ni Alexa ang apron niya pagdating. Sinuot niya agad 'yun.
"Alam mo mas lalo kang gumwapo sa suot mong apron." Bati ni Alexa.
"Tigilan mo'ko. Saka hindi nakakatulong sa dish natin yang pambobola mo."
"Sus walang bola, gwapo ka talaga. Ang galing mopa. Eh ang totoo naman sa ating tatlo eh ikaw ang pinaka magaling."
Ngumiti si Colby. Hindi pa naman siya sanay na pinupuri. "Tama nayan at pag usapan na natin yung dish natin."
"Oo nga pala, final na bayung napag usapan natin kahapon?" Tanong ni August.
"Ano dun yung creamy tahong soup." Sagot ni Colby. "Well pwede naman 'yun bale parang mala cream of mushroom soup ang dating na may gata, kangkong, papaya at..."
"Kalabasa!" Sabay nilang sinabi ang huling gulay.
Pumwesto na sa puting lamesa sa Colby. Mula sa plastik ay nilabas niya ang isang kilong tahong na binili pa ni August sa palengke. "Fresh ba talaga ito?"
"Oo naman tignan mopa, wala kang tiwala sa'kin eh."
Masarap na lutuin. Ito ang alam na abilidad ni Colby na tinatangi niya. Bata pa lamang siya ay naka hiligan na niya ang pagkain. He has a golden tongue. Kaya niyang malaman ang ingredients ng isang putahe base sa pang lasa nito.
Idinampi ni Colby ang dila sa isa sa mga tahong. Pag dikit ay bumulusok agad ang lasa ng dagat, langsa, at alat. Walang duda na sariwa nga ang napili ni August. "Sariwa nga ito." Banggit niya.
Habang binubuksan bawat isa ay isang tahong ang tila ayaw pakain. Kahit anong pilit na bukahin 'yon ng binata ay hindi niya 'yun mabuksan. Kaya naman ay kumuha si Colby ng kutsilyo. Nilagay niya ang dulo nito sa masikip ng hiwa ng tahong at inikot 'yun. Malakas na pwersa ang ginamit niya. Tila nakikipang buno siya sa baboy base sa kanyang itsura. "Konti na lang." Tila umoobra ang kanyang plano pero sa tuluyang pag buka ng hiwa nito ay siya namang pagkapit ni Colby sa hiwa ng kutsilyo. Nabigla din siya. Nagkasugat ang kamay niya at umagos agad ang malapot na dugo.
Parang eksena sa horror movie sumunod na nangyari. Sa isang iglap lamang ay napuno na agad ng dugo ang ibabaw ng lamesa. Nagkalat 'yun! Lumapit narin sila Alexa at August. Kumuha agad si Agust ng tela at agad na binendahan ang hiwa sa kamay ni Colby. Umampat na ang dugo pagkatapos ng ilang segundo.
"Mag ingat ka kasi!" Asik ni Alexa na halatang kinabahan din.
"Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong naman ni August.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AventuraPart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)