Chapter 23 - Funta Fuego

26 1 0
                                        

MATAAS ANG SIKAT NG ARAW ng tuluyang sumakay ng yate sila Andy at ang buong myembro ng Inaque's club. Excited ang lahat. Halos hindi na nga natulog si Maddy kagabi para sa araw na ito. Hindi siya magkanda ugagang mag imagine kung ano ang itsura ng isla.

"Isla de Funta fuego or tinatawag din nila na Island of dreams." Pangunguna ni Philip. Nasa gitna sila ng ngayon ng yate na tila may immediate meeting. "...sabi nila na kapag nagbilang kadaw ng isang daang bituin sa eksaktong bilog ng buwan sa isla ay matutupad ang kahilingan mo."

"At saan mo naman nakuha ang imformation nayan aber?" Tanong ni Maddy na nakataas pa ang kilay.

Tinignan siya ni Philip. "Bakit ka interesado. May wish ka no?"

"Bakit masama bang magtanong huh? Ang dami mo nanamang issue Philip." Sagot nito.

"Pero hindi lang 'yun. Ang iba ay tinatawag din itong island of death." Biglang tumahimik ang lahat.

"Bakit naman siyang tinawag na island of death?" Tanong naman ni Andy.

"Kasi marami daw guess na binabangungot sa isla. Sabi nila na baka nagkataon lang daw 'yun pero ang sabi naman ng iba ay meron daw gumawa nun."

"It an another urban legend. Parang hindi na kayo nasanay. Kung marami na ngang namatay sa isla eh di sana wala na ditong nagpupunta or tinigil na ang pagpapunta 'dun ng mga guess." Patutsada ni Anika.

"Eh pano kung nililihim nila." Depensa ni Philip.

"At bakit nila gagawin 'yun?"

Muling tinignan ni Philip si Anika pero sa pagkakataong ito ay mukhang tagus tagusan 'yun. "I dont know. Dont you worry aalamin ko kapag nasa island na tayo."

Ilang sandali pa ay sumigaw naman si Colby habang lumalapit sa kanila. "Guys tignan ninyo!"

Agad namang nagsi sunuran ang buong member ng club. Pagdungaw, lahat ay namangha sa kanilang nakita. Malayo layo paman ang kanilang yate ngunit kitang kita na duon ang isang parte ng isla.

Nakakatuwang pagmasdan ang hampas ng malalaking alon sa naglalakihang bato. Matatayog namanng puno ang kanilang nakita sa gawi pa roon. Mas lalo tuloy silang na excite! Akala moy isang post card ang nakikita nila ngayon.

Pagtigil ng yate sa daungan ay saka naman pagbaba ng grupo. Humampas kaagad ang malamig na hangin sa buong katawan ni Andy. Tila iyon ang engrandeng pag salubong nila sa pag tungtong sa isla.

"You must be the student from Emilio high school." Ika ng isang boses. Isang babae ang nakita ni Andy na nakangiti sa gilid niya. Naka pony tail ang buhok nito na agad siyang kinamayan. "Ako nga pala si Ana Alipayo. One of the tour guide dito sa isla.

"Yes kami nga, and Im Andy." Pakilala niya. Pagkatapos ay nagpakilala rin ang iba. Lumapit narin dito ang kasama nilang Guro upang manguna. Si Mister Rexer Samudio. Nakipag kamay rin ito kay Ana.

Sinamahan sila ni Ana hanggang sa hotel na kanilang matutuluyan. Nasa ika tatlong palapag ang kanilang mga kwarto. Si Andy ay si Colby ang kasama sa kwarto. Si Spencer at Philip naman ang magkasama sa katabi nilang kwarto habang magkasama naman sila Anika at Maddy sa katapat nilang kwarto.

Pagpasok ng kwarto ay binuksan agad ni Colby ang kurtina ng kwarto. Mula doon ay tumambad sa kanila ang malawak na karagatan. "Amazing!" Ika niya.

Pinagmasdan naman ni Andy ang kwarto. Meron itomg mini sala. Dalawang kama, isang malaking cabinet, cr at malaking balkonahe. "Ilang kwarto nga meron ang hotel na ito?" Tanong ni Colby.

"Fifty ata, hindi ako sigurado." Sagot naman ni Andy.

"Alam mo deserved natin to. Kakatapos lang ng first quarter test natin at major competition kaya we need a break." Umupo na si Colby sa may kama. Naalala tuloy niya ang babaeng nakasakay nila sa elevator kanina. Narinig niya ang pinag usapan ng mga ito. Tungkol sa isang bar. "The black Mask."

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon