Chapter 15 - Black Star

36 1 0
                                    


ANO, BAKIT, PAANO? ilang katanungan paba ang kailangan para tuluyang maunawaan ni Adrian ang mga misteryo sa mundo. Mahirap na nga ang first grading nila at talagang da dagdag pa ang tungkol sa misteryosong black box!

Ano? Ano nga ba ang gusto nitong ipahatid.

Bakit? Bakit siya ang napiling pag iwanan nito at...

Paano? Nila mabubuksan ang itim na box kung isa lang ang hawak nilang susi?

Sa kanyang tabi ay kinuha ni Andy ang box. Pinagmasdang muli. Pagkatapos ay  kinuha rin ang susing nakuha nila sa bodega at muling pinasok 'yun. Inikot ikot at nilabas. Walang nangyari kagaya ng una nila yung ginawa.

Pagkatapos mula sa bulsa ng kanyang bag ay kinuha rin niya ang maliit na journal. Sinuri din niya 'yun. Sa totoo lang ay hindi pa niya 'yun tinitignan. Malaki kaya ang maiaambag ng maliit na journal na ito sa misteryosong kinalalagyan niya ngayon?

Nasa anim na sintimetro ang taas, tatlong sintemetro ang lapad at sa palagay niya ay nagkakatimbang ito ng tatlong gramo. Tuluyan ng binuksan ni Andy ang journal. Mula sa unang pahina nito ay may nakalagay na initial na S1. "Anong S1?" Banggit niya habang nilipat ang journal sa pangalawa nitong pahina. Mula naman duon ay nakalagay ang mga oras. Maaring oras yun ng klase ni S1. Pero mukhang napaka komplikado ng time management nito. Palaging nagsisimula sa hapon at nagtatapos sa madaling araw. Teka may klase ba na pang gabi ang Emilio high school dati? Sa pag buklat niya ng mga pahina ay mas lalong pawirdo ng pawirdo ang mga nakatala 'dun.

"Ano may limang myembro ang S class!" Gulat ni Maddy ng maikwento sa kanya ni Andy ang mga natuklasan niya mula sa journal.

"Oo at may mga code name sila. Sila S1, S2, S3, C1 at C2."

Mukhang nauhaw naman bigla si Maddy dahil may kapangalan ng inumin ang huling codename na kanyang binanggit. Pagkatapos ay umirap siya. "Alam mo prend. Mas lalo akong na stress sa mga new information mo diyan sa S class chu chu nayan. Ano kaya kung ipasira mo nalang yang box para malaman na natin 'yung loob what do you think."

Tinignan lamang siya ni Andy. "Sigurado ka, eh akala koba na mahilig ka sa adventure?"

Pagkatapos ay tumayo lamang ang dalaga. "Bahala ka at malaki kana. And pleaseeee ayokong ma stress. I need some dessert."

Tinignan siya ni Andy na tumayo. "Saan ka pupunta?"

"Sa canteen kakain sama ka?" Biglang yaya ng  dalaga.

-----

Ibang kaba pala ang dating kapag oras na nang paghuhusga. Halos isang buwan din ang pag eensayo nila Andy sa kanilang play at ito na ang tamang panahon. Napahawak siya sa kanyang dibdib habang sumisilip siya sa may pulang kurtina bilang tabing sa entablado.

Mula sa may harapan ay nakita niya sila Maddy, Spencer, Anika at iba pang myembro ng club. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Sa isang banda naman ay nilapitan siya ni Luis.

"Kinakabahan kaba?" Tanong nito.

Ngumiti si Andy. "Medyo." Pagkatapos ay winisik wisik niya ang magkabilang palad sa ere. Ganito siya kapag kinakabahan. Pampatanggal nerbiyos.

Hinawakan siya ni Luis sa balikat. "Sigurado kang ayos kalang?"

"Oo naman." Tila may laman ang tono nito.

"Okay sinabi mo eh, just relax. Inhale then exhale lang mate." Di nemo pa ni Luis ang dapat daw niyang gawin upang mawala ang kaba. Well epektib naman 'yun.

Tumingin si Andy sa orasan na naka sabit sa boys dressing room. Isang oras nalang at magsisimula na ang palabas. Nilagyan narin sila ng ligth make up at inayos ang kanilang mga costume.

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon