Chapter 24 - Game

25 1 0
                                        

ISANG MASKARA ang iniabot ni Colby kay Andy habang nakatingin siya sa pintuan ng Maskarade Club. Ayon sa detalyeng nakasulat sa gate niyon ay kailangan daw nilang kumuha ng tig isang maskara bago pumasok sa loob. Kulay itim na maskara na tila batman ang ibinigay na maskara kay Andy.

Lahat ay excited sa pag pasok ng lugar. Nakapagtataka din na hindi na sila hinanapan ng id ng dalawang lalaking nagbabantay.

"Oy are you okay?" Tanong ni Maddy kay Andy habang silay pumapasok. Napansin kasi nito na tila may malalim iyong iniisip.

"Oo naman okay ako."

"Nako kung si Teacher Rex ang inaalala mo well. Full force tayong mag eexplaine sa kanya okay ba?"

Natawa siya. "Oo na. Teka for sure this is your first time tama ba?" Tanong ni Andy

"Well sa club oo. Parang ikaw." Halata sa mukha nito ang excitement.

Si Anika ang kumuha ng doorknob sa loob ng muli silang makakita ng isa pang pintuan. Inikot niya sa saradora niyon pakanan, pagkatapos ay dahan dahan niya iyong tinulak. Sa siwang ay agad na  sumilay ang mga nagkikislapang mga ilaw. Pula, asul, berde, dilaw ng paulit ulit.

Panandaliang natulala ang grupo. Mas engrande pala ang club kaysa kanilang inaasahan. "Is this for real!?" Sabi ni Colby.

"Yes baby!" Sigaw naman ni Maddy. Pagkatapos ay sinimulang sumayaw sa elektronik na musika. "So pano guys alis muna kami ni Maddy!" Pagkatapos ay niyaya ni Anika si Maddy na sumama sa kanya. 

Naiwan si Andy sa gilid ng bar. Duon ay  tanaw niya ang buong dance floor na nag iisa. Everytjing is new to him. Ganito pala ang feeling ng club. Malakas na musika, nagkikislapang mga ilaw sa ibat ibang direksiyon at ibat ibang brand ng nakakalasing na inumin.

Marahan niyang dinama ang paligid ng nakaupo. Dinipa niya ang kamay paharap at pinikit ang mga mata. Sa diwa niya ay nag iisa lamang siya sa may bar at wala ni kahit na sinong tao. Bahagya siyang napangiti. Tila dinadama ang sandali ng pagiging malaya. Hanggang walang anu anoy biglang may bumangga sa kamay niya. Bigla siyang napadilat. Tinignan niya kung sino ang dumaan malapit sa kanyang harapan ngunit wala siyang makita.

Ilang sandali pa ay muling dumating sila Colby, Philip at Spencer. Nagbubulungan ang tatlo.

"Oh saan naman kayo galing?" Tanong ni Andy.

"Duon lang sa tabi tabi?" Nakangiting sabi ni Spencer.

"Tama! Sa tabi tabi kung saan maraming mga babae." Pagtatama naman ni Colby.

"Alam nyo nakakainis talaga dahil hindi ko makita yung mga mukha nila pero I think I found my only love." Tila nanaginip si Spencer habang nagsasalita.

"Sino yung babaeng mahaba ang buhok?" Sabat naman ni Philip. "If I know pangit 'yun."

Umismid si Spencer. "Maka pangit ka naman. Basta I think maganda siya. Mata palang niya ang nakita ko. I know that we are click to each other." Muling binalikang tanaw ni Spencer ng una niyang makita ang babaeng si Tracey. Nasa tabi lamang ito at nag iisa.

Her gorgeus eyes behind her mask makes the girl more mysterious. Mas lalo niya itong gustong makilala.

Habang sila ay nagkekwentuhan sa gilid ng bar ay isang lalaki naman ang nagpunta sa gitna ng dance floor. Tinaas nito ang kamay at biglang huminto ang musika. All the lights was leading on him. Duon lang nila nakita kumikinang pala ang suot nitong tuxedo.

"Ladies and gentlemen. We are celebratibg the anniversary of the club. So we are decided to cunduct a game." Nagbulungan ang mga tao sa loob. "We called it the game find the killer." Pagkatapos ay biglang naging pula ang mga ilaw. Tila binihusan ng pulang pintura ang bawat parte ng club.

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon