ISA, DALAWA, TATLO hanggang umabot na yata sa higit sa dalawampung estudyante na ang nawawala sa buong Emilio high school.
Naging seryoso na nga ang pagkawala ng mga estudyante sa buong campus. Ngunit ang tanong ay kung saan kaya ang mga ito nagpunta? Nagkaroon na ng pag iimbestiga ang mga opisyal ng paaralan ngunit wala silang makitang dahilan kung bakit ang mga ito umalis.
There was no sign of struggle, ni wala ding senyales na kinidnap ang mga ito.
Naka lagay ang dalawang kamay ni Principal Domingo sa ilalim ng kanyang baba na tila nagdarasal. Yun ang nadatnan ni Vice President Leny Robredo ng pumasok ito sa opisina nito.
"What is the findings?"
"Ganun parin. Wala paring makita ang mga imbestigador kung anong dahilan kung bakit nawala ang mga bata." Sabi nito.
"Eh sila SPO2 Mariano Tagle umalis naba?"
"Kanina pa pero babalik daw sila bukas. "
Tinanggal ni Augustus ang kamay sa kanyang baba at tinignan ang bintana. Gabi na, madilim. Katulad ng pag asa na hindi na yata nila mahahanap pa ang mga nawawalang bata.
"Bakit anong iniisip mo?" Tanong ni Leny. "Nako pag tumagal pa ito at nalaman ng mga magulang na nawawala ang mga anak nila ay maaring madamay ang school."
"Bakit saan ba nawala ang mga bata sa classroom ba nila or during the class?"
"At yan talaga ang ipang o oppose mo. Its either way sakop parin ng campus ng dormitory kung saan sila nawala." Banat ni Leny.
"Hay ayoko ng mag isip. imposible namang mawala ang mga bata ng sabay sabay..."
Lumapit si Leny dito. "Alam mo may narinig akong report kanina, alam mo ba ang tungkol sa kulto."
"Anong kulto?"
"I dont know if this true pero narinig ko na meron daw kumakatok sa mga pintuan ng mga student bago sila nawala." Tila nag isip si Augustus sa mga tinuran nito. Maari kayang kulto ang may gawa nito?!
"I dont know." Nilagay ulit ni Augustus Domingo ang kanyang kamay pero ngayon ay sa sintido na niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang sekretarya. "Dianne please call all the faculty staff. For the immediate meeting please." Sabi nito.
------
Hinawakan ni Andy ang libro na patiwarik. Ilang beses na niyang binabasa ang isang linya sa pahina dalawanput isa pero ni isang salita ay walang pumapasok sa isip niya.
Agad siyang bumangon sa kama. Kahit na anong pilit niyang mag review ay walang pumapasok sa kokote niya. Pagod naba siyang mag aral o pagod na isipin ang mga misteryong kaganapan nitong mga nakaraang araw.
Iniling iling niya ang kanyang ulo. Pagkatapos ay ibabato na sana niya ang libro malapit sa may pintuan ng bigla naman 'dung pumasok si Benjo.
"Oh san ka pupunta?" Tanong niya dito.
"Mag go gost hunting." Sagot naman nito. Umuwi lang pala si Loko para kumuha ng flash ligth at kuhain ang powerbank nito sa ilalim ng kama.
"Anong ghost hunting. Hindi moba alam na bawal ng lumabas ang lahat kapag eigth oclock na. Aware kaba sa mga etudent na nawawala?" Tanong ulit ni Andy sa kanyang ka room mate.
Hindi lamang si Benjo sumagot. Basta lamang inayos nito ang mga dadalhin nito.
"Tignan moto sabi ko kung aware kaba?"
"Ay ano 'yun?" Narinig din siya nito. "Oo naman alam ko pero naplano nanamin to eh bago pa nag announce sa curfew. Ay teka gusto mobang sumama samin?"

BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AdventurePart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...