HYDRANGEA. Isang uri ng halaman na nagmula pa ang mga uri sa Japan ang inilagay ni Andy sa puntod ng kanyang mga magulang. Galing 'yun kay Principal Domingo. Kwento nito na ito daw ang naging paborito ng Ama niya sa mga halamang inaalagaan nito dati. Kakaiba daw kasi ang hugis nito at anyo.
Dito na siya dumiretcho sa sementeryo pagka uwi niya galing ng dormitoryo. Pero kakaiba ang pakiramdam niya ngayon di tulad dati that He feels empty. He feels fulfilled.
"Pa, nakapasa ako sa periodical test namin..." kwento niya sa puntod nito. "...marami narin akong naging kaibigan and tama nga kayo na sa Emilio high school ako mag aral. Hindi koyon pimagsisihan" Akala ni Andy na hindi na siya luluha pang muli pero hindi niya napigilan 'yun. Isang mumunting luha ay bigla nalang sumilay sa kanyang mga mata.
"Pa and Ma salamat po sa lahat. Hindi ko man nasasabi ito sa inyo nung nabubuhay pa kayo pero ngayon masasabi kona na Mahal na mahal ko kayo. Thank you po sa lahat dahil tinuruan ninyo akong maging indipendent at matapang. Masakit man pero kailangan kong tanggapin ang lahat that everythings happened for a reason."
Tumayo na si Andy. Muling niyakap ang puntod ng kanyang mga magulang bago siya umalis.
Habang naglalakad papalabas ng sememteryo ay tinawagan naman siya ng kanyang Tito Claudio. Tinatanong kung nasan naraw siya at kanina pa siya nila hinihintay sa bahay.
Tuwang tuwa naman si Andy na muling makita ang arko ng kanilang village. Monte kristo village na kulay ginto ang makikita sa unahang bahagi ng Maple street. It was nostalgic. Parang kailan lang nung huli niyang tinignan ang arko nayun upang magpunta sa lugar kung saan di siya pamilyar.
Teka ilang buwan na nga ba bago siya umuwi dahil sa semestral break nila. Anim na buwan. Halos anim na buwan na nga ang nakaraan pagkatapos niyang malaman ang tunay na pagkatao ni S3 at ang grupo nito na S Class.
Ano nga ba ang mga nabago sa loob ng anim na buwan?
Si Maddy na nag enroll sa film club dahil gusto daw niya ng mga true crime movies. Sa totoo niyan ay napili ang ginawa nitong short film tungkol sa isang babaeng tinorture ng halos 30 araw dahil lamang sa di nabayarang utang. Nagpatuloy naman si Anika sa kanyang pagiging ballet dancer its a matter of fact ay gusto siyang gawing head ng kanilang ballet group dahil sa kanyang charm at ganda. Ganun din sila Philip, Colby ay Spencer that doing great in their respective club.
Si Jayden naman ay unti unti ng nakokontrol at niyayakap ang kanyang ability na makita kung kailan mamatay ang isang indibidwal. Ngayon masaya siyang naninirahan sa Bicol kasama ang kanyang Ama. Si Inaque naman na pwede nadaw bumalik sa school after ng semestral break. Maayos narin ang sugat sa dibdib nito.
Pababa pa lamang si Andy ng taxi ay makikita na sa pintuan ng kanilang bahay ang kanyang Tito Claudio at si Tita Eloisa. Halata sa mga ito ang saya ng kanyang muling pagbalik.
"Hello buddy." Niyakap siya agad ng kanyang Tito Claudio pag lapit niya dito. Pati ang kanyang Tita Eloisa ay niyakap din siya ng mahigpit.
"Welcome home and sorry." Maikli nitong sabi. Sa totoo lang ay naunawaan ni Andy ang sertmyento ng kanyang Tita dati at napatawad na niya ito.
"Wala na po 'yun Tita."
"Nako halika na sa loob ay nagluto si Tita mo ng peyborit mong Caldireta!" Bunyag ni Tito Celso.
"Talaga po ba. Nako gutom na nga ako ho eh!" Pagkatapos ay sama sama silang pumasok na sa loob ng kanilang bahay.
END OF CHAPTER 30
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AbenteuerPart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...