TILA TUMIGIL ANG ORAS ng makita ni Andy kung sino ang nasa likod ng puting maskara. Mula sa buhok, mata, ilong at bibig ay hindi mapag kakailang si Alex ang nagtanggal ng puting tabing sa ulo nito.
"Ano Andy natulala kana diyan. Hindi kaba masaya?"
Bahagyang kumunot ang noo ni Andy. Kahit kasi saan ay hindi niya mahanap kung ano ang masaya sa mga pangyayari.
Pagkatapos ay lumapit si Alex sa kanya. Niyakap siya nito. "Buti naman at napadpad ka dito sa santuaryo namin na maaring mapasayo rin."
Ilang sandali pa ay nag sidatingan ang ibang myembro. Puro nakasuot din ito ng puti. Hindi lalabis sa tatlumpu ang bilang ng mga 'yun. Bawat myembro ay nag si-sign of amen bago pumasok sa kwarto. Nang makapasok ang lahat ay sabay sabay itong nangtanggal din ng kanilang mga maskara, at nagulat sila Andy dahil ang dalawa duon ay sila Mario at....
"Benjo!" Gulat niya.
Lahat ng mga ito ay nakatulala. Halatang wala ito sa sarili na tila naghihintay ng utos.
"Welcome sa bagong tahanan ng mga malalakas, magigiting at hindi kailanman matatapakan." May diin sa mga salita nito. Pumikit si Alex patingala at dumilat. Pagkatapos ay nilapitan nito ang isa nitong myembro at binulungan. Nakamasid lamang sila Andy sa mga nangyayari. Ilang sandali pa sumunod naman sa kanya ito. Kumuha ito ng upuan at nilagay 'yun sa likurang kwarto.
"Halika Andy at may sasabihin ako sayo."
"Sasama ako." Sabat ni Maddy.
"Nope." Kaming dalawa lang." Tila napahiya naman ito at tumabi sa gilid.
Umupo sila 'dun. "Teka Alex may powers ka?" Unang tanong ni Andy mula sa tila matagalan nilang pag uusap.
Ngumiti si Alex. "I guess need na para malaman mo." Lumapit si Alex kay Andy, bumulong. "I can control mind buy touching them."
Lumaki ang mga mata ni Andy. Ngayon alam na niya kung paano pinamumunuan ni Alex ang mga grupo ng estudyanteng ito. "Alex?"
"Yes?"
"Ibig sabihin, hindi asksidente ang pag talon ni Iñigo dito sa building?!"
"Well parang ganun na nga, and you know what. Dun ko na discover ang powers ko." Naalala tuloy ni Alex ang araw na'yun. Ang labis niyang pagkabigla ng aksidenteng mahawakan niya si Iñigo, sabihin niya na sana tumalon nalang ito sa building at nabigla siya ng ginawa nga iyon ng binata.
Hatred at vengeance ang agad na pumasok sa kanyang isipan sa mga oras na iyon. Sa wakas ay mapapasa kamay na niya ang matagal na niyang minimithing pag asa. Paghihiganti.
Buong buhay na lamang siyang pinag lalaruan. Halos lahat na yata ng pang bu bully ay naranasan na niya. Nandiyan ang ilock siya ng mga kaklase niya sa may banyo, nilagyan ng ipis ang pag kain niya, ilang suntok, sipa, mga masasakit na salita ang natanggap niya sa mga tao.
Bakit dahil ba inggit sila? Dahil ba mas gwapo siya? O di naman kaya ay dahil sa mga magulang niyang walang pakielam sa kanya kahit na anong sumbong ang gawin niya.
"Alex itigil mo na...." magsasalita pa sana si Andy na itigil na nito ang kahibangan ng bigla na lamang silang nakarinig ng ingay sa labas.
"Sinong sinama mo?" Nanlaki ang mga mata ni Alex.
"Wala." Sagot naman ni Andy.
Mayat maya pa ay tumunog ang cellphone ni Andy. Mula sa message niya ay nabasa niya ang text ni Spencer. Sabi nito na alam nito ang lokasyon ng mga nawawalang estudyante. "Shit!" Banggit niya.
Pag tingin ulit ni Andy sa pwesto ni Alex ay wala na ito. "Alex nasan ka?" Hinanap niya kaagad ito. Lumabas siya ng kwarto at nagpunta sa kwarto kung saan niya ito unang nakita ngunit wala ito dun.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AdventurePart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)