Chapter 18 - Missing

44 2 0
                                        


NAKAMASID LAMANG si Andy sa mga estudyante habang nasa loob siya ng kanilang classroom. May mga naghahabulan sa corridor, nag uusap, nag tatawanan, at nag aasaran.

Sa isip niya ay maaring isa sa mga estudyanteng ito si black star, pero ang tanong ay sino kaya sa mga ito? Lalaki kaya siya o babae? Nakita na niya kaya ito o hindi, naka salamuha?, kaklase kaya niya, nakabangga? He want a clue of who this black star is. Bakit kaya siya nito binibigyan ng clue about sa S class? O kaya naman ay myembro din kaya ito ng S class!?

"Buddy!" Biglang pumasok ng class room si Luis. Galing daw ito ng liblary at may kinuhang libro para sa assignment nila sa literature.

"Yan naba 'yun?" Asik niya.

Lumapit si Luis dala ang libro tapos ay tumabi sa kanya. "Ano nanaman ang iniisip mo. Mukang malalim ah."

Tinignan niya ito. "Nako wala. Iniisip kolang kung mataas ba ang score ko sa p.e natin?"

"Nako for sure na mataas 'yun diba nagawa mo naman yung sayaw ng tama sa practical test natin kahapon."

"Sa tingin ko oo nga pero marami paring sablay." Tapos ay bahagya siyang tumawa.

Ilang sandali pa ay isang lalaki naman ang bigla na lamang pumasok ng kwarto nila. Hingal na hingal ito, hapong hapo. "Tulungan nyoko!"

"Bakit anong nangyari sayo?" Tanong ni Andy

"Basta mamaya kona ipaliwanag." Pagkatapos ay tinuro ni Andy ang likod ng dulong upuan upang 'dun siya magtago.

Ilang sandali pa ay ilang mga naghahangos ding estudyante ang dumating sa eksena. Ang isa ay may dala pang mahabang kahoy.

Nagtago agad ang hinahabol na estudyante sa likod ng mga upuan. Tinakpan naman agad nila Andy at Luis ang estudyante para hindi ito makita.

Pumasok ang isa sa loob ng classroom. Panandaliang nagmasid. "May nakita ba kayong ganito kaliit na tumatakbo kanina?" Nimwestra pa nito kunyari ang tangkad nito.

Ayaw mang mangsinungaling pero napilitan si Andy. "Wala kaming nakita."

"Ganun ba."

Maya maya pa ay isang estudyante pa ang lumapit dito. "Iñigo baka dun siya tumakbo, lika tignan natin!" Paanyaya nito.

Pagka alis ng mga bully ay saka naman kinamusta ni Andy ang estudyanteng hinahabol. Sinigurado niya muna na wala na ang mga ito bago niya pinuntahan ang estudyanteng nagtatago. "Wala na sila, lumabas kana diyan."

Nanginginig na sumisilip silip pa ito sa itaas na nakapatong na upuan bago ito tuluyang lumabas. Takot na takot parin ito. "Salamat." Tinulungan ito ni Andy na tumayo.

Pinag masdan niya ang lalaki. Payat ito at gulo gulo ang buhok. Maputi ang balat na halatang mayaman.

"Bakit ka hinahabol ng mga 'yun saka anong pangalan mo?" Tanong naman ni Luis.

"Alex nga pala from section Pearl."

Namukhaan naman ni Luis ang isa sa mga bullie student. "Si Iñigo Pascual yung isa 'dun tama?

"At sino naman 'yun?" Tanong ni Andy

"Si Iñigo. Isa sa mga mayayamang anak sa class Pearl. Sila yung mga estudyanteng nakakapasa lang dahil may pera. Mga spoiled brat! Eh teka bakit ka nga pala nila hinahabol?"

"K-kasi kasalanan korin. Minali ko yung sagot na pinagawa nilang assignment sakin." Kwento nito.

"Nako bakit mo ginawa 'yun. At sila Iñigo pa talaga ang kinalaban mo ah. Alam mo naman na hari harian ang mga 'yun sa west building." Sabi ni Luis.

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon