PINAPAIKOT IKOT lamang ni Spencer ang green peas mula sa gitna ng kanyang plato. Nasa hapag kainan sila ngayon at kumakain habang sa kanyang diwa ay iniisip parin ang medyo romantic na pangyayari sa kanila ni Tracey kanina.
Tinulungan lamang naman niya itong gumawa ng mga polselas na gawa sa mga kabibe. Hindi maawat ang kanyang mga mata na tumingin dito habang nagpapaturo kung paano gumawa ng polselas. Kakaiba talaga ang ganda ni Tracey. Parang dalawang buwan ang mga mata nito sa gitna ng kalawakan.
"Hoy, kumain ka kaya muna at huwag mong pag laruan ang pagkain." Kanina pa pala siya napapansin ni Andy.
Tinignan niya si Andy but still ay lumilipad parin ang diwa niya. "Alam mo Andy I think im in love na talaga."
"Kanino dun sa babaeng na meet n'yo sa nigth club?" Mahina lamang ang boses nito.
"Ano ba huwag kang maingay diyan pero oo and Tracey ang name niya. Actually nag date na nga kami kanina eh."
"Ano date at saan naman?"
"Sa bahay nila. Diba ang lakas ko!" Pagyayabang ni loko.
"At anong date ang naririnig ko." Ilang sandali pa ay dumating naman sa eksena si Colby. "...kaya ba bigla kamg nawala kanina?"
"Yup thats rigth at hindi lang 'yun dahil tinuruan pa niya akong gumawa ng bracelate made out of shells." Itinaas pa nito ang suot na pulselas.
"At totoo nga!" Gulat ni Andy.
"Ofcourse its true at kailan ba ako nagsinungaling."
"Actually ngayon lang." Pag aasar naman ni Colby.
"At talaga namang..." Aambangan naman niya ito kunyari ng suntok. "Pero sa totoo lang namimiss ko na nga siya eh. Balak ko siyang puntahan mamayang gabi."
Umupo narin si Colby sa tabi nila. "Really ganun mo talaga siya kagusto? At paano kapag hinanap ka samin ni Sir Rex? At alam nyo ba na nakakatakot daw ngayon lumabas ng gabi. Dahil since nung nakaraang linggo pa ay tatlong babae na ang nawawala.
Sumimamgot ito. "Eh di pag hinanap ako ni Sir eh kayo nalang ang gumawa ng story. Saka hello dude lalaki ako kaya ko ang sarili ko. Strong kaya to!"
Nagrolyo ang mga mata ni Colby. "Whatever!" Tanging nasabi nito.
-----
Tumalsik pa ang dugo ng manok mula sa pisngi ni Tracey pag hiwa niya ng leeg nito. Agad niyang pinunasan 'yun. Ngayon amoy na amoy ang lansa ng dugo niyon mula sa kanyang maputing mukha.
Sa kanyang palagay ay tama na ang dalawang hilaw na manok upang ipakain sa kanyang pupuntahan ngayong gabi. Tulog at naghihilik na ngayon ang kanyang kuya Omak. Aminading pagod dahil ito ang nagbantay ng kanilang tindahan buong maghapon. Samantalang siya naman ay abala sa pag gawa ng mga souvenir na gawa sa kabibe.
Talagang tinaon niya na tulog ang kanyang Kuya. Sikreto ang lakad niya ngayong gabi kagaya ng pasikreto niyang pagpunta sa gubat nitong mga nakaraang araw. Inihanda na niya ang chop na manok. Nilagay niya iyon sa dalawang malaking lalagyanang plastik bago ilagay sa bayong.
Maliwanag ang buwan ngayong gabi. Para ngang bukang liwayway ngayon dahil sa liwanag na pinapamalas nito sa buong paligid. Dahan dahan ang pag sarado ni Tracey sa may pintuan. Kailangan ay maingat siya sa kanyang mga kilos upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Pag sarado ng pintuan ay saka na siya nagpunta ng gubat.
Habang naglalakad ay tila pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya. Napahinto siya saglit. Tinapat ang kanyang hawak na lampara sa kanyang likuran ngunit wala naman siyang nakitang kahit sino 'dun. Malamang ay guni-guni lamang niya ang lahat. Pinagpatuloy lamang niya ang kanyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa kanyang destinasyon.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AventuraPart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)