QUICK INFO:
Name: Iñaque Castillo
Nick Name: Inaque
Favorite color: Black
Favorite food: Kare - kare
Like: His brother
Dislike: Disobidient, loneliness
____________
KANINA PA NARARAMDAMAN ni Iñaque na tila may sumusunod sa kanya. Mula sa paglabas ng kanyang kwarto hanggang sa pag punta niya ng club.
"Kompleto naba ang lahat?" Wika niya pag pasok niya ng kwarto. May pulong sila ngayon. Tinignan ni Iñaque ang lahat ng myembro ng may napansin siya. "Nasan si Jayden?"
"Nag bakasyon muna siya kasama niya ang bioligical father niya. Sa bicol ata." Kwento ni Maddy.
"Bioligical father...? Bakit ampon ba si Jayden." Gulat ni Iñaque.
"Duh unless meron pang ibang meaning 'yun." Tirada naman ni Anika.
"Anyways, meron akong importanteng announcement. Dahil sa sunod sunod na panalo ng myembro ng club natin sa mga competition ay binigyan tayo ni Principal Domingo ng reward. Isang bakasyon grande!"
Nagkatinginan lamang ang lahat at wala man lamang naging excited. "Oh bakit wala kayong reaction, common guys!"
"Ako okay lang sakin." Sabi ni Maddy.
Tumingin muna si Andy sa ibang myembro bago sumagot. "Okay count me in."
"How about the rest?"
"Yeah fine, basta huwag lang tumapat sa practice namin ng ballet." Sagot naman ni Anika.
"Or yung practice ng ballet ang inurong mo." Pang aasar ni Spencer.
"Ah ganun, palibhasa hindi mo alam na sagrado sakin ang pag paparactice lalo na dahil isasali lang naman ako sa international competition." Umirap pa ito.
"Tama nayan. So okay na ang lahat." Si Inaque. "Huwag kayong mag alala dahil gagawin nating masaya ang bakasyon na ito. Dont you imagine guys ang beach, blue sky and a ray of sunlight." Napapapikit pa si Inaque habang nagsasalita. Pakiwari niya ay nandun siya. Nagtatampisaw sa tubig, nag su-sun bathing. "Okay ba sa next month natin ito gawin? Para masabi kona kay Sir. Domingo at mapa book na niya tayo sa resort."
Hindi nanamam sumagot ang lahat. "Okay, I take it as a yes!" Nakangiti niyang sabi.
Nag ayos si Iñaque ng mga gamit sa club pagkatapos ng kanilang meeting. Total wala naman siyang gagawin buong mag hapon kaya nag ayos na lamang siya 'dun. Habang nag pupunas ay napadako ang kanyang tingin sa isang kalendaryo. Sa pinaka dulo niyon sa may katapusan ng buwan ng setyembre ay may nakalagay na marka. Nilapitan niya 'yun. Hinawakan. "Malapit na pala ang birthday mo Keann."
"Sino si Keann?" Nagulat siya ng nagsalita si Andy sa likuran niya.
Bahagyang nagulat si Inaque. "Kanina kapa nandiyan?"
"May binalikan lang ako. Pero sino nga si Keann?"
"Kapatid ko." Muling pinagpatuloy ni Inaque ang pagpupunas. Ngayon pinupunasan naman niya ang lamesa.
"May kapatid ka pala, bakit hindi mo siya ata madalas ma kwento?"
Tinignan siya ng binata. "Well private person kasi 'yun saka madalas kaming mag away."
"Ahh ganun ba." Tanging nasabi ni Andy. Hindi narin siya nag followup question dahil tila si Inaque ay ayaw yun pag usapan.
-----
SINARADO NI INAQUE ang ilaw ng club. Pag labas niya ng kwarto ay tinignan niya ang paligid. Tahimik, mga kuliglig lamang ang kanyang naririnig.
Tuluyan na siyang naglakad tungo sa dormitoryo. Pero hindi paman siya nakalalayo ay tila may naramdaman nanaman siya. Same feeling katulad kanina. Madilim ang paligid. Inilawan ng dala niyang cellphone ang tabi ng malapit na puno ngunit wala naman siya duong nakitang tao.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AventuraPart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)