Epilogue

9 1 0
                                        

ISANG MALAKAS NA SUNTOK ang tinamo ni Jerald ng lapitan siya ng grupo nila Gino. Napaiktad siya agad sa sakit at tumama ang kaliwang siko sa upuan ng parke. Tila nawalan siya ng ulirat sa mga nangyari. Pagtingin niya sa paligid ay tila bahagyang umikot 'yun.

Bakit nga ba siya sinuntok ni Gino? Sa pagkatatanda niya ay wala naman siyang nagawa ditong masama.

"Bakit mo kinakausap si Angelica?" Pagkatapos ay kinuha ni Gino ang harapang damit niya.

"S-sinong Angelica." Nauutal na sagot ni Jerald.

Nagtawanan naman sa likuran ang dalawang alipores ni Gino. Sila Oscar at Delimon o mas kilala sa buong Emilio high school bilang sila b1 at si b2. "Eh boss hindi yata alam ng transferre nayan na ex-friend mo si Angelica."

Naalala na ni Jerald si Angelica ang babaeng ubod ng ganda na nakatabi niya sa canteen kaninang umaga. Hindi niya alam na big issue na pala ang pag kausap dito. Masama bang maging friendly siya?

Sinuntok ulit siya ni Gino. Tapos ay napaiktad ulit siya. Sa pagkakataong 'yun ay dumugo na ang labi niya. Nag init ang buo niyang katawan. Nakahiga siya sa may lupa pero mukhang impyerno ang hinihigaan niya dahil sa tinatamasang init. Hindi niya mawari pero parang may lalabas na apoy sa kanyang mga katawan na lalong madaling panahon.

"Ano wala pala yan boss eh." Sabat ni Delimon na naka pamewang pa.

"Natawa naman si Jerald. Ewan ko ba diyan. Napaka weak! Kaya sa susunod bata piliin mo ang kakausapin mo." Nakatingin lamang ang tatlong bully sa hindi na gumagalaw na si Jerald.

Ngumuso si Oscar. "Boss mukang napuruhan mo ata ng sobra. Hindi na makagalaw!" Obserbasyon nito.

"Sya nga ba?" Nilapitan ni Gino si Jerald. Sinipa nito ng bahagya ang paa nito. "Hoy bumangon ka diyan." Utos nito.

"Boss mukhang nasapul mo nga! Shit anong gagawin natin?"

"Shut up Delimon! Para kang babae." Pero sa loob loob ni Gino ay kinakabahan narin siya. Agad nilang inobserbahan ang paligid. Swerte na sa oras na 'yun ay wala ni kahit sinong tao ngayon sa may parke. Nagsisimula ng mag panic si Gino. Paano nga kung napatay niya dahil lamang sa suntok si Jerald. Malamang boystown ang bagsak niya.

Kamay na niya ang ginamit na pang gising. "Hoy gumising ka nga diyan, kung hindi tutuluyan talaga kita. Sa muling pag gising ni Gino sa balikat ni Jerald ay bigla na lamang itong nag mulat. Pagkatapos ay hinawakan nito ang braso niya.

Akala moy apoy ang balat ngayon ni Jerald dahil sa init. "Bitawan mo nga ako!" Susuntukin pa sana ni Gino ang binata ngunit bigla nito 'yung sinalag. Tila ibang tao na ito ngayon. Malakas at tila nag aapoy!

"Aray!" Sigaw ni Gino. Pag tingin niya sa parteng hinawakan ni Jerald ay tila naluto 'yun dahil sa init. Ang buo nitong balat ay namumula. Ang mga mata nito tila nagliliyab. Sa sobrang takot ay kumaripas ng takbo ang tatlong loko. Si Delimon nga ay kinalimutan na ang dala niyang bag makalayo lang sa kanya.

Nasa ganun parin siyang posisyon ng ilang minuto. Nakatayo at nakatingin lamang sa kawalan. Tila pinoproseso ng kanyang utak ang mga nangyari. Unti unti na siyang kumalma. Ang kanyang mapulang mga mata ay unti unti ng nagiging kulay abo.

Pinagmasdan niya ang kanyang palad. Totoo ba ang nangyari kanina? Bakit nga ba siya nagkaroon ng ganung abilidad?

Ilang sandali pa ay tila tumigil ang paligid. Ang paglipas ng mga ibon. Ang paggalaw ng mga puno at ang pag tigil ng tubig sa fountain. Teka ano nga ba ang nangyari?"

"Jerald hipolito?" Isang lalaki ang tumawag sa kanyang pangalan. Pag lingon niya ay tatlong lalaki ang kanyang nakitang papalapit sa kinaroroonan niya.

"Bakit moko kilala, saka saka kayo ba ang nagpatigil ng oras?"

"Kami nga." Tanging sagot nito. "Nandito lang kami sa malapit ng makita namin ang ginawa mo. Huwag kang mag alala at katulad morin kami..."

Hindi alam ni Jerald kung mapagkakatiwalaan ng tatlong ito. "Anong gusto ninyong mangyari?"

Tila nagtinginan muna ang tatlo. "Gusto ka naming gabayan, turuan..."

"Sumali sa inyo?" Siya na ang nagtapos ng gusto nitong sabihin.

"Sorry pero hindi ako sumasama sa mga ngayon ko palang nakilala."

"Matalino kang bata. I like your attitude. Pero diba hindi mo macontrol ang powers mo. Kung magtitiwala ka samin. Tuturuan ka namin to control your powers. Ano deal!" Sabi ng isa.

Nakatingin lamang si Jerald sa mga lalaki. Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip parin siya.

"Okay kung ayaw mong sumama samin. Then hindi ka namin pipilitin. Pero kapag nangyari ulit yung nakita namin kanina baka kung ano nang mangyari sayo ikaw rin." Pangungunsensiya ng unang lalaki.

Pumikit si Jerald. Mahirap mang magtiwala pero may punto ang mga ito. Paano nalang kung hindi lang 'yun ang mangyari sa kanya? "O sige na, sasama nako."

Ngumiti ang unang lalaki. Pagkatapos ay nagpakilala. "Okay then..." inabot niya ang kanyang palad. "Ako ng pala si Adrian, ito sa kanan ko si Luis at sa kaliwa ko ay si Inaque. Inabot ang palad at nakipag kamay dito. "Siya nga pala... welcome to S Class!"

THE END.

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon