QUICK BIO
Name: Spencer Ledesma
Nickname: S
Fave color: Black
Fave food: Pizza
Like: Water
Dislike: Smoking
________________
"KAMPAY!" Tinaas ni Spencer ang baso sa ere. Pagkatapos ay ininom ang huling patak ng alak, bottoms up! Pag lapag niya ng baso sa gilid ng swimming pool ay duon niya natabig ang kamay ni Daimos ang swimming mate niya.
Ang totoo niyan ay siya nalang mag isa ang natitirang hindi lasing. Lahat ng limang kasama niya sa kanilang swimming team ay mga tulog na. Ganito talaga siya, mataas ang tolerant sa alak. Kaya niyang umubos ng limang bote ng hindi nahihilo o inaantok. Teka bakit nga ba sila nagdiriwang? Nanalo lang naman ang grupo nila sa may swimming competition na ginawa rin sa eskwelahan nila. On the record 'yun. Natalo lang naman niya ang huling record niya na 22.5 minutes sa back stroke, freestyle, breast troke at butterfly. Siya nga daw ang itinuturing na Michael Phelps ng Emilio De Jesus High.
Tumayo na siya pagkaraan ng ilang pagninilay nilay. Sa wakas dinatnan narin siya ng antok. Pagtayo ay medyo nahilo pa siya kaya napakapit siya sa ralings ng swimming pool. Isang kislap ang nakita niya sa di kalayuan. Sa liwanag niyon ay posibleng hindi niya iyon mapansin. "Anak ng..."
Dali dali niyang pinuntanan ang pinagmulan ng kislap. Upang mabilis ay ginamit niya ang kanyang abilidad or teleportation. Sa isang pitik ng daliri ay agad siyang nakapunta sa pwesto nito. Parang kislap 'yun. Mula sa likod ng halamanan ay nakita niya ang isang babaeng nagtatago. Kung todo tuwad pa ito sa lupa at halatang naninilip. "Hoy anong ginagawa mo diyan?"
"Ay kabayo!" Nabigla ito. Dahan dahan nitong nilingon ang ulo. "Hi kanina kapa diyan?"
"Anong gingawa mo diyan at bakit mo kami sinisilipan?" Bigla itong tumayo, inayos ang magulong uniporme. "So ikaw pala si Samantha Agapito."
"Pano mo alam ang pangalan ko?"
Ngumuso si Spenser. "Diyan sa suot mong Id." Nabasa rin niya ang club nito. "Photograpy club." mahina niyang
"So anong plano mo. Pipicturan mo kami tapos isusumbong mo kami sa principal?"
Pagtagal ay duon lamang napansin ni Spencer ang anyo nito. Pamilyar ang mukha nito ng babae, until he remembered a scene two weeks ago. Pag labas niya ng classroom ay nakita niya itong kausap ang isang senior ng news editor na si Kenny Verastique. Ipinapakita pa nito ang cellphone nito kay Kenny na tila may sinusumbong.
"Hoy hindi naman ako ganun kasama no!" Nakataas ang kilay nito at halatang naiinis.
"Eh bakit ka nga nandito?"
Tumingin tingin si Samantha. "Wala lang. Kasi ang totoo niyan eh crush ko si Daimos eh." Nahihiya pa kunyari itong nagsabi. Tinitignan parin siya ni Spencer. "Oh bakit ganyan ka nakatingin?"
"Sigurado ka?"
"Kung ayaw mong maniwala eh di huwag." Pagkatapos ay inirapan niya ito. Pag alis ay sinundan lamang ni Spencer ang pagdadabog nito. Bahagyang natawa. Sinasabi sa loob niya na pambihira talaga itong babae. Until He saw something. Naiwan nito sa pwesto nito kanina ang isang panyo. Agad niya itong pinulot pagkatapos ay muling ngumiti.
-----
LATE NANAMAN si Spencer sa kaniyang klase ngayong umaga. nakakainis kasing hindi niya na set ang alarm ng cellphone niya bago matulog. Pag uwi niya kasi ng kanyang kwarto kagabi ay agad siyang nakatulog. But dont worry dahil sa kanyang kakayahan ay makakarating siya ng kanilang classroom in just 3 seconds. Ipipikit lamang niya ang kanyang mga mata isasaisip ang lugar kung saan siya gustong magpunta at sa isang mabilis na pitik. Pag dilat niya ay nasa ninais na siyang destinasyon.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AventuraPart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)