Chapter 12 - Iñaque (Part 2)

49 2 2
                                    

ISANG MALAKING BURGER ang kinagatan ni Andy. Tocino burger iyon na bagong menu sa canteen ng Emilio high. Kung todo promote pa si Aling Dalisay na cook ng canteen na masarap daw ito. Well batay naman sa panlasa ni Andy ay masarap nga iyon. Naglalaban ang lasa ng tamis at alat galing sa may tocino at sauce nito na medyo maanghang at maasim.

Nagawa pang omokey ni Andy sa may lamesa habang kaharap si Aling dalisay sa may counter, na ang ibig sabihin ay masarap. Kumindat naman ito.

Ilang sandali pa ay isang grupo ng mga chismosa ang damuan sa table niya.

"Guys alam nyo ba ang nangyari dun sa babae na galing sa section Zircon. Nakita nalang daw na tulala. Scary diba." Hinawi pa ng babae ang buhok at nilipat sa kabila.

"Ay trully yours yan Sis. Nakita ko din siya kanina at nakakatakot ang itsura niya." Kwento pa ng isa.

"Eh bakit nga daw nagkaganun si girl?" Tanong naman ng isa pang naka pony tail."

"Hindi nga nila alam. Basta daw pagka uwi nung girl galing sa session nila Inaque kahapon eh naging ganun nalang siya."

Duon na napahinto ng pagkagat si Andy. Tila ang pangalan ni Inaque ang keyword upang huminto siya sa pag kain. Bigla niya tuloy naalala ang mga ganap kahapon. Ang babae kayang tinutukoy ng mga chismosang ito na natulala daw at ang babaeng nakita nila kahapon na tinuturuan ni Andy sa may library ay iisa?

Ilang sandali pa ay tumunog naman ay cellphone ni Andy. Himalang nag ring 'yun dahil mahina ang cignal sa may canteen. Bahagya siyang tumayo at lumabas saglit para hindi maputol ang cignal.

"Oh bakit?"

"Oy alam mo naba ang balita?" Tanong ni Maddy sa kabilang linya.

"Ano 'yun, yung tungkol sa babaeng natulala daw, tama ba 'ko?"

Nagulat si Maddy. "Teka at paano mo naman nalaman?"

Ngumisi Andy. "Ako paba, thank you nalang at naglipana ang mga chismosa dito sa campus. Teka nasan kaba?"

"Ayun nga nandito ako ngayon sa dorm nung babae, tinignan ko kung totoo nga ang chismis!"

"And your conclude...?"

"Na totoo nga. Nakakapag salita naman siya pero para siyang bata."

"Bumalik sa pagka bata?"

"Parang ganun, ahhh basta." Nahalata ni Maddy na medyo tumahimik si Andy. "Ohhh teka at ano nanaman ang iniisip mo?"

"I think may kinalaman dito si Iñaque." Bulong lamang iyon para hindi siya marinig ng iba.

"Kaya?"

"Maybe. Well need pa natin ng ebidensiya."

------

"BYE GUYS!" pag papa alam ni Maviric Villa Vicente sa mga kaklase niya mag aalas otcho ng gabi. Kakatapos lang kanilang session sa may music na pag hahanda sa kanilang individual test sa darating ng linggo.

Kinuha niya ang kanyang gitara sa may lamesa at tuluyan ng umalis.

Tahimik ang hall ng west building. Sanay na si Maviric sa gantong aura ng paligid ngunit tila iba ang ora sa mga sandaling 'yun.

Parang mabigat, parang may kung anong nilalang sa paligid na tila anytime ay handa siyang sunggaban. Hanggang bigla na lamang may nalalag mula sa kanyang bag. Pag tingin niya ay  nakalimutan niyang bukas pala ang zipper ng bag niya. Binaba niya saglit ang kanyang gitara sa tabi. Kinuha ang kanyang bag at tuluyang sinara ang zipper niyon. Pero ng muli na niyang kukunin ang kanyang gitara ay bigla na lamang itong nawala.

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon