NAKATULALA LAMANG si Andy kay Benjo kinabuksan pag gising niya. Sa pagkain nito ng instant noodles at tinapay ay tila walang nangyari dito kagabi. "Oy gising kana pala, ito oh pandesal mainit init pa."
Inurong ni Benjo ang supot ng pandesal malapit sa may kama pero nakatingin lamang siya 'dun. "Benjo okay kalang?"
Napahinto ito sa pag subo. "Bakit mukha ba akong hindi okay." Tapos ay ngumiti ito.
Ang wierd. Sa kabila ng nangyari dito kagabi na tila niluwa ng higanteng ahas at hinabol ng leyon ay tila ditonh walang nangyari.
Tuluyan na siyang tumayo mula sa pagkakahiga. Nilapitan si Loko at tinignan ang mga galos nito kagabi. "Oh ito saan moto nakuha, saka ito pa?" Habang tinuturo niya ang mga mapupulang parte ng balat nito.
"Ahhh yan. Actually hindi ko na nga matandaan eh. Baka hinampas ni Miggy. Alam mo naman kami pag nag harutan, minsan nagkakasakitan."
"Eh yung kagabi natatandaan moba kung saan ka nagpunta?" Tanong ni Andy.
"Nagpunta...?" Muli nanaman itong napatigil sa pag kain. "Teka saan nga ba ako nagpunta kagabi."
Nakatingin lamang si Andy dito habang itoy nag iisip.
"Actually nakalimutan kona din."
Tumaas ang kilay niya. Sa wirdong ikinikilos nito ngayong umaga at ang nasaksihan nilang pagkawala nito sa sarili nung gabi ay halatang may kakatwang nangyari sa binata.
"Alalahanin mo Benjo kung saan ka galing..."
Tinignan siya ni Benjo. "Teka bakit moba ako pinipilit na alamin kung saan ako galing kagabi, ano bang meron?"
Natahimik din siya sa mga sinabi nito. "Well w-wala naman. Curius lang ako."
"Wala naman pala eh." Tanging sabi nito.
Hindi na pinilit pa ni Andy kung ano ang nangyari dito pero hindi parin niya tinatanggal sa kanyang isipan na may hindi normal na nangyari dito. Kung abo 'yun ay isang malaking palaisipan.
-----
Kinabukasan. Isang Wirdong balita nanaman ang nagpa gising sa buong diwa ng mga mamamaya ng Emilio High. Sa ulo ng mga balita ang mga batang nawawala ay bumalik na! Pero ang wierd dito ay wala itong mga maalala.
Ni wala ding nakapansin na nagbalik ang mga ito. Tila bigla na lamang itong nadantan sa kanilang mga kama pag gising nila ng umaga.
"Ano!" Gulat din Principal Domingo. Pag karinig nito ng balita. "But how?"
"Yan din ang reaksyon ko ng nalaman ko!" Sabi naman ni Leny.
Nakapang tulog pa nga ng damit si Augustus ng narinig ang balita pati siya ay hindi makapaniwala. "Eh si SP02 ba ay nasabihan niyo na."
"Nako theres no need."
Kumunot ang noo ni Augustus. "Ano, bakit?"
"Dahil wala daw maalala ang mga bata." Pagtatapos nito.
------
"Ano wala siyang maalala?" Ganun din ang naging reaksiyon ni Maddy na malaman ang naging kondisyon ni Benjo pag gising nito. Nasa parke sila ngayon ng campus habang umiinom ng milktea.
"See ganyan din ang reasyon ko nung nakita ko siyang masaya at kumain ng noodles. Ang weird diba." Sabay inom din ni Andy ng inumin.
"And you know what. And wierd dahil sunod sunod ring nagsipasukan yung mga student na umabsent. You find it wierd doesnt it?"
"Baka nagkataon lang. Anong gusto mong sabihin na sabay sabay umansent yung mga student dahil nag usap usap sila?"
"May chance."
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AvventuraPart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)