Chapter 3 - Madelaine

111 3 0
                                        


QUICK INFO:

Name: Madelaine Del Rosario.
Nick name: Maddy
Fave color: Red
Fave food: kalderetang baka
Like: Gore movies, Her father
Dislike: Ampalaya   

_____________

"ANDY TIGNAN MO TO!" Isang video nanaman ang nahalungkat ni Maddy ng umagang iyon sa youtube. Sa video ay makikita ang isang bangkay na iniimbalsamo step by step. Una ipinapakita ang paghiwa sa tiyan nito pagkatapos ay inilabas ang mga laman loob bago paman sipsipin ng isang machine ang dugo nito na parang baboy.

   "Yuck nakakadiri, ang aga aga eh yan ang breakfast mo." Asik ni Andy. Nasa garden siya ng lapitan siya ng dalaga. Ganto ang gawain ni Andy pag umaga. Dito ang naging tambayan niya lalo na kapag magkakabisado siya ng aralin. 

"Bakit ano namang masama dito, eh pag aaralan naman din natin to later on."

"Talaga ang pag iimbalsamo?"

"Well not really, pero pasok narin to sa human body diba.

Bata palang si Maddy ay facinated na siya sa mga crime and murder cases. Siguro ngay dahil narin sa pulis ang kanyang ama at ninais niya ring maging pulis dati. Ngunit tatlong taon na ang nakaraan ng bigla itong bawian ng buhay dahil sa misyon nito sa Quezon city.

Halos limang baril sa katawan at ang isa ay sapul sa ulo nito ang biglaan nitong pagpanaw. Ilang buwan din siyang naging tuliro at hindi makausap. She didnt know kung paano nga ba niya haharapin ang bukas kung wala na ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang buhay. Her father is her hero at walang makakapantay duon. 

"Maiba ako. Ano pala yung tingin mo dun sa sinabi ni kagabi ni Inaque. Sa tingin mo na may special powers nga tayo?"

"Ewan ko." Muling tinuon ni Andy ang kanyang atensiyon sa binabasa niyang libro.

"Anong ewan ko eh big deal kaya 'yun."
  
Bumuntong hininga si Andy. Binaba ang libro at tumingin sa kanya. "Okay ganto." Umayos pa ito ng upo. "Ikaw ba sa tingin mo meron kang powers? Pakita mo sa 'kin!"

Tila napahiya ang dalaga. "Fine wala akong powers."

"See eh di nasagot mo yung tanong mo."
  
"Pano kung hindi pa natin na didiscover. And sa palagay mo ba eh magsisinungaling si Inaque satin?" Muli siyang tinignan ni Andy.

"See?"

"Aba malay ko, kung anong trip nun at alibi para sumama tayo sa club nila."

Tila nag isip din si Andy. Ngayon hati ang opinyon ni Maddy tungkol sa teorya na meron nga silang hidden powers at teorya na trip lamang lahat ng 'yun ni Inaque.

-----

ISA SA MGA kina aayawan ni Maddy ang maingay kaya naman mas gusto niya sa may ilalim ng hagdanan ng domitoryo niya siya tumambay. Duon ay nakakapag concentrate siya habang nanunuod ng ng gore movies niya. Ang napili niya ngayong panoorin. Walang iba kundi ang Zombie Rizal. Hango ito sa pagsakop ng zombie sa panahon nila Jose Rizal or kastila era. Kakatwa mang konsepto pero ang pag sirit, pag kain at pag labas ng mga laman loob sa gitna ng zombie apocalypes ang gustong gusto niya.

Ilang sandali pa habang siya ay manonood ay isang barya ang nahulog mula sa kanyang bulsa. Kakatwang gumulong 'yun mula sa kanya hanggang sa dulo ng hagdanan kung sa'n siya naroon. Sa labis na paghanga ay kinuha niya ang piso. Pero pag dampot niya dito ay isang imahe ang bigla na lamang sumilay sa kanyang isipan. Walang iba kundi mukha ni Andy. Malinaw ang lahat, para siyang nanonood ng isang inulit na eksena. Ngayon naalala na niya na kay Andy galing ang piso kanina ng kumain sila sa may canteen. Ilang segundo siyang napatulala. Nakatingin sa kanyang mga kamay.

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon