KINABUKASAN ay nagulat si Andy ng tawagan siya ng kanyang Tito Claudio. Kinamusta siya nito. Halos tatlong buwan narin simula nung huli nilang pagkikita. Ngunit ganun paman ay hindi siya nito pinapabayaan. Buwan buwan siya nitong pinapadalahan ng mga pangangailangan niya katulad ng mga essentials at pangkain.
"Kumusta ka naman diyan Andy?" Tanong ni Tito Claudio.
"Okay naman po Tito. Kayo po kumusta na, Si Tita?"
"Okay naman si Tita mo, at alam moba were having a baby!" Halatang may excitement sa tono ng boses nito.
"Talaga Tito, eh di maganda!" Nilalagay ngayon ni Andy ang libro sa kanyang bag. Pag kuha niya ng isa ay nahulog mula sa gilid niyon ang journal ni S1.
"Oh sige papasok nako sa trabaho. Yung new package baka dumating bukas. Maraming korean noodles 'dun yung favorite mo."
"Sige po ingat po kayo." Binaba na ni Andy ang kanyang telepono. Pagkatapos mula sa may lapag ay kinuha niya ang nahulog na journal. Nakalimutan na niya ang tungkol 'dun.
Umupo siya sa may kama. Tapos ay binuksan ang maliit na journal. Binaba, binabaka sakaling sa muli niyang pag basa dito ay tuluyan na niyang malaman ang sikreto ng S class.
Sa pag buklat niya dito ay napunta siya sa bandang gitna ng pahina.
"September 9." Sinimulan niyang basahin ang mga nakasulat. " Wala nanaman si S2 sa meeting, maaring nandun nanaman ito sa paborito nitong parte ng school. Walang iba kundi ang school garden."
Kumunot ang noo niya. Bahagyang natahimik. Kung si Principal Domingo nga si S2 ay maaring mahilig din ito sa mga halaman kagaya ng naka saad sa journal. Pero ang pag kakaalam niya ay hindi sa halaman mahilig si Principal Domingo, kundi sa mga libro. Napatunayan niya 'yun ng pumuslit siya sa kwarto nito para kunin ang pangalawang susi ng black box.
Ilang sandali pa ay muling tumunog ang kanyang telepono. Pag tingin niya sa screen nito ay agad na nagrehistro ang pangalan ni Iñaque. Pagkatapos ay ngumiti siya.
-----
Nagpunta agad si Andy sa kalye Padre Paura pagkatapos ng kanyang huling klase. Isang sakay lamang iyon mula sa Emilio high school.
Pagdating niya 'dun ay isang malaking bahay ang bumungad sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali na ito nga ang bahay nila Inaque dahil sa kulay krema nitong pader kagaya ng sinabi nito.
"Andy!" Sigaw ni Iñaque mula sa second floor ng magarang bahay. Habang papalapit sa pintuan ay napansin din niya ang malawak nitong hardin at mga nakasabit na halaman.
Kakatok pa sana siya ngunit agad siyang pinag buksan ng pintuan ni Aling Guding. Kasambahay ng mga ito. "Halika pasok ka ijo." Paanyaya ng matanda.
Pag pasok ay bumungad sa kanya ang marmol na sahig ng bahay. May mga banga rin siyang nakita at mga figurine. "Dito tayo ijo." Tinawag siya ng matanda upang ituro ang hagdanan paakyat.
Pagtungo niya sa itaas ay agad niyang nakita si Iñaque na nakaupo sa may beranda. "Kumusta na may friend." Aakma siyang yakapin nito pero agad itong umurong dahil naalala nito ang tahi nito sa may dibdib.
Tinignan ni Andy ang tanawin sa beranda. Kitang kita ang buong lugar ng Padre Paura kung saan sila ngayon naroon. "Ang ganda!" Usal niya kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin.
"Beautiful isnt?"
"Oo nakaka relax, kaya pala gusto mo dito no. Parang nakakawala ng problema."
"Tama ka." Pagkatapos ay idinantay ni Iñaque ang dalawang kamay dito.
"Teka kailan kapa nakalabas ng ospital?"
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] S CLASS
AdventurePart 1: Chapter 1 - 12 Sa murang edad ay maagang naulila si Adrian. Now he must face the reality na kailangan niyang maging matatag sa mga darating na hamon sa kanyang buhay. Ngunit habang nag gho ghost hunting siya sa bago niyang paaralan dahil nar...
![[COMPLETED] S CLASS](https://img.wattpad.com/cover/263921296-64-k319020.jpg)