Chapter 17 - Secret

38 1 0
                                    


QUICK INFO:

Name: Kelly Bermudez
Nick name: Kelly, Kell
Fave food: Anything sweet, carbonara
Fave color: Periwickel
Like: books, tv series
Dislike: nail biting, bad odor

------

HUMIHIKAB PA SI ANDY ng taasan siya ng kilay ni Maddy ng magkita sila nito sa may library kinabuksan. Ang totoo niyan ay isang oras siyang hinintay ni Maddy duon. Ni wala siyang natanggap na text dito o anuman. Maddy was pissed off. Hindi na nga kasi ito sumipot sa meeting nila kagabi ay late pa ito ngayon. "Saan ka galing kagabi?"

Tumingin si Andy sa kanya. Tila nawala ang pagka antok. "Eh bakit ganyang ang tono ng boses mo, ang aga aga."

"Oo nga eh ang aga aga eh late ka!"

"Wait lang po ah, pwedeng mag explain." Nakatingin lang si Maddy sa kabilang ibayo ng library kung saan ay hindi niya nakikita ang mukha ni Andy. "Okay first of all. Nakita ko ulit si black star and this time meron ulit siyang binigay na clue." Pangunguna nito. "Pupunta na sana ako sa meeting natin kagabi pero yun nga, nakita ko siya. Sinundan ko siya sa may bodega."

"Sa bodega?" Interesanteng sagot ni Maddy. "Bakit sa may bodega?"

"So ayun na nga then I found this." Pagkatapos ay nilabas ni Andy ang isang litrato. "Its dated 2005. And tignan mo ang nasa gitna."

Kinuha ni Maddy ang larawan. Pinag masdang mabuti. Nung una ay hindi ito mamukhaan pero nang magtagal. "Sino to huwag mong sabihing si Principal Domingo to?"

"Exactly!"

Tumaas nanaman ang kilay ni Maddy. Pagkatapos ay sinuri muli ang larawan. "So kung principal Domingo nga ito. Anong ibig sabihin nun na member siya ng S class?"

"Tama ka ulit! Pero hindi lang 'yun dahil kung tama ang hinala ko. Siya si S2. Sige tignan mo 'yung likod." Binaliktad ni Maddy ang likuran ng litrato at mula duon ay nakita niya ang katagang S1,S2 at S3." Binaba ni Maddy ang litraro na may pagkabigla.

"Nakakagulat hindi ba."

"So what next?"

Kinuha ni Andy ang litraro at muli itong tinago. "Ano pa nga ba eh di kukunin natin 'yung panagalawang susi sa kanya."

"Ano susi, at paano ka naman nakakasigurong nasa kanya ang pangalawang susi?"

"Malakas ang kutob ko."

"Eh paano naman natin na co confirm na nasa kanya yung susi?" Pag aapila ni Maddy.

Ilang sandali pa ay dumating naman sa eksena si Kelly. Nag beso beso agad ito kay Maddy na labis namang ikinagulat ni Andy.

"At kailan kapa nagkaroon ng bagong kaibigan?"

"Grabe ka sakin." Nagpabebe kunyari si Maddy. "By the way ito nga pala si Kelly. Ang bagong grupo ng club natin."

Nagulat si Andy. "Anong new member, kailan pa?"

"Kagabi nung umabsent ka sa meeting."

Tinignan ni Andy si Kelly. Sa loob loob niya ay mukha naman itong maayos. Pero iba ang interpretasyon ni Maddy sa mga tingin ng binata kaya naman ay inutusan niya kunyari si Kelly para panandalian itong umalis.

"Sis. Alam mo yung pink juice sa may canteen. Favor na bumili ka." Kahit walang ganung juice.

"Sure." Pagkatapos ay umalis na ito.

Tinapik ni Maddy ang binata sa balikat. "Alam mo grabe ka talaga, bakit naman ganun ang tingin mo kay Kelly. Baka maintimidate yung newbie."

"Ikaw ah kung ano anong pinag iisip mo. Wala akong ibig sabihin. Ang akin lang ay kung saan niyo siya nakilala?"

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon