Chapter 27 - Secrets

17 1 0
                                        


Day 3 - Funta fuego

MAY GUSTO NA NGA KAYA SIYA? Bakit nga kaya kapag nakikita ni Andy sila Maddy at si Willian na magkasama ay nagseselos siya? Yun paman ang nakakainis na pakiramdam. Yung tipong hindi ka mapakali. Yung tipong bumibilis ang tibok ng puso niya. She wanted to know about her pero nahihiya siya. Biglang umihip ang malamig na hangin.

Sa pag ihip niyon ay muli niyang naalala ang pag amin ni Maddy na gusto siya nito. So kung hindi pa pala ito nalasing ay hindi pa ito magtatapat sa kanya, eh siya kaya kailan sasabihin sa dalaga na maaring gusto niya rin ito? Wala pa siyang tapang ng loob ngayon.

Habang nakatingin sa veranda ng kanilang kwarto ay may kumatok mula sa pintuan ng kanilang kwarto. Nilapitan niya agad 'yun at binuksan. Isa palang bellboy. "Magpapalit po kami ng bedsheet Sir." Aki nito.

"Sure po." Pagkatapos ay pinapasok niya ito ng kwarto. Pinasok narin nito ang trolley nito na may lamang mga pamalit na bedsheet at pillowcase.

Pinanood lamang ni Andy na magpalit ito. Nakakamanghang mabilis itong kumilos. Tila segundo lang ay natanggal na agad nito ang kobrekama.

"Matagal kana dito?" Tanong ni Andy dito.

"Mga 3 months palang po ako Sir."

"Eh kayo po Sir masaya naman poba ang pagpunta ninyo dito sa isla?"

"Oo naman po." Ngayon ay mga unan naman ang pinapalitan nito.

"Pero Sir hindi naman ako chismoso eh no pero maraming nangyayaring kababalaghan dito sa isla. Kagaya nalang nung isang guest na may 5th floor. Na bihirang lumabas ng kwarto niya. Siguro lumalabas lang yun isang beses sa buong maghapon."

"Ano namang wierd dun?"

"Syempre Sir. Kung kayo po nagpunta sa isang isla na may beach. Syempre pupunta kayo para makipag migle diba o kaya naman ay gumala." Pagsasalaysay ng lalaki.

Ngumiti si Andy. Hindi ba niya mawari pero biglang pumasok sa isip niya si... "Siguro naman hindi William ang pangalan nung wierd guess na 'yun diba?" Pabiro niyang sabi.

Nanlaki ang mata ng bellboy. "Sir paano n'yo nahulaan?"

Nagulat din siya. "So William nga?" Nagkatinginan silang dalawa.

"Yes Sir William Guerrero ang pangalan nung guess. Pero Sir maliban dun nitong mga nakaraang linggo ay mara ding mga babae ang nawawala tapos ito pa sa may bundok naman daw ay may naririnig sila na tila umiiyak na lalaki." Paglatapos ay inayos ni Tony ang unan sa may higaan, hinampas pa niya ito ng palad ng dalawang beses. "Ewan koba pero ang daming wirdong pangyayari dito sa may isla ngayong mga nakaraang buwan.

"Ganun ba?"

Ilang sandali pa ay isang lakaki naman ang kumatok sa may kwarto kung saan sila naroroon. Kasamahan pala 'yun ni Tony na kanina pa siya hinahanap.

"Good Morning Sir!" Bati nito kay Andy. "Oy Tony lika na at hinahanap tayo ni Sir Vince." Pagkatapos ay tuluyan na itong nagpaalam.

-----

Nakatanaw lamang si Andy kay William sa di kalayuan. Ngayon ay nasa final tour sila ng isla kung saan ay nagpunta sila sa isang malaking botanical garden. Gawa sa salamin ang harang ng lugar. Tila nasa loob sila ng isang malaking globo na tinataniman ng mga halaman na duon lamang sa isla nabubuhay.

"Blue berries." Banggit ng tour guide. "Kung makikita ninyo ay kulay ube ito dahil sa lupang ginamit.

Nagtaka naman ang iba. "Is this blue berries ito?!" Gulat din ni Anika.

"Tama ka. Dahil sa taba ng lupa dito sa isla ay nagiiba ng komponent ang dumadaloy sa bawat ugat ng mga punong kahoy. Kaya naman ay nag iiba rin ang komponent or bumubuo sa mga bunga nitong prutas at gulay."

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon