Chapter 14 - Key

46 1 0
                                        


ALAS OTCHO NA NG GABI. Sinuot na ni Mang Elvis ang kanyang sumbrero at kinuha ang kanyang dalang flash ligth. Oras na para mag libot sa mga gusali. Ito na ang naging routine niya kapag darating ang ganitong oras. Pagkatapos namang romonda ay saka siya tuluyang matutulog sa may guard house.

Ganito na ang naging gawain ni Mang Elvis sa halos twenty years na niyang utility sa paaralan. Binata palang siya ng pumasok siya dito. Nakabuntis at nagkaroon ng asawa. Ngunit sa kinasawaang palad ay namatay ang kanilang anak pagkalabas palang nito. Suhi kasi ang bata at pumulupot ang umbilical cord nito sa leeg sanhi ng pagkamatay nito.

Hinahiwalayan siya ng kanyang asawa. Naging alcohilic at dine bosyon ang kanyang buhay sa pagtatrabaho.

Tuluyan ng sinara ni Mang Elvis ang pintuan ng Janitor's room. Sa tuluyan nitong pag layo ay tila yun ang naging  hudyad upang lumapit sila Andy at Maddy sa naturang kwarto.

Duon na lumawak ang isipan ni Maddy sa pag imahinasyon. Pakiramdam niya ay nasa importante silang misyon ngayong gabi. Ang kunin sa janitors room ang susi ng kwarto ng s class.

Pag bukas ni Andy sa may pintuan ay swerteng hindi 'yun naka lock. Bahagya niya yung binuksan. Pagkatapos ay sunod na binuksan ang ilaw mula sa kanyang cellphone. Inilawan niya ang paligid pag pasok. Maliban sa madilim na kapaligiran ay may naamoy din silang kakaiba. Tila amoy basang medyas at nabubulok na punong kahoy. "Yuck!" Angil ni Maddy.

Pinag patuloy lamamg nila ang pag hahanap. Duon si Maddy tumingin sa mga susing nakasabit sa isang mahabang salamin. Pero masyadong marami 'yun. Ni walang mga label.

"Paano naman kaya natin malalaman kung nasaan dito ang susi ng hinahanap natin sa dami nito?" Inis na si Maddy. Mukhang mabibigo yata sila mgayong gabi.

"Akin na nga yan!" Kinuha ni Andy ang mga susi. Pagkatapos ay kinapa niya ang bawat isa. "Itapat mo sa'kin yung ilaw." Utos niya.

"Bakit anong naisip mo?" Tanong ni Maddy.

"Diba may mga brand ang mga kandado."

"Oo nga, eh ano naman ngayon?"

Kinuha ni Andy ang isang susi. "Madali lang, kung ano ang brand ng doorknob. Syempre 'yun din ang brand ng susi."

"Oo nga no!" Lumaki ang mga mata ni Maddy. "Eh teka ano naman kaya yung brand ng doorknob?"

"Good day." Sambit ni Andy. "Nabasa ko kanina na good day ang brand."

Yun ang isa sa mga abilidad ni Andy na kapag meron siyang sinusuring bagay o problema kahit na maliit na detalye ay inaalam niya. Ilang halukay pa sa mga susi at napansin niya ang isang susi na katamtaman ang laki. Kinuha niya 'yun at binasa ang nakaukit sa bandang hawakan. Walang duda na good day ang nakasulat.

Sa sobrang kasiyahan ay napayakap ng bahagya si Maddy sa binata. Napabitaw lamang siya dito ng bigla niya napagtanto na mali ang ginawa niya. "Sorry na carried away lang ako!" Hindi na sumagot si Andy.

Tuluyan na silang naglakad sa may pintuan para lumabas ngunit kukunin na sana ni Andy ang doorknob ng kwarto ng bigla niyang naaninag ang anino sa may siwang ng pintuan. Tumigil siya. Bahagyang napaurong. Kung maglalakad sila ay siguradong maririnig sila nito.

Pinatay naman agad ni Maddy ang ilaw ng kanyang cellphone. Tinatanong kung bakit ang agang bumalik ni Mang Elvis mula sa pag roronda. Pigil ang kanilang hininga. Nag simula ng bumilis ang tibok ng kanilang puso.

"Anong gagawin natin?" Bulong ni Maddy.

"Teka hindi ako makapag isip." Kung sa may ilalim sila kaya ng kama magtago, o di naman kaya sa may steel kabinet?

[COMPLETED] S CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon