On the way na ako sa sinabi niya na lugar kung saan ako makakapagtrabaho. Nang makarating ako sa lugar ay agad akong binati ng guard."Good morning, ma'am" nginitian ko naman siya sabay bati din sa kanya ng Good morning.
Nilibot ko ang aking paningin. Anong lugar to? Bakit andaming bata.
Asan kaya si Cheese? Wait, cheese ba pangalan nun? Basta Villegas yung apelyido. Yun yung ibinigay na name ni Honey na hanapin ko daw pag nakarating na ako dito.
Speaking of Honey...ilang araw na kami nagkikita pero di ko man lang natanong kung ano ang pangalan niya.
May nakasalubong naman akong isang babae na mahaba ang damit. Kung di ako nagkakamali isa siyang madre. Ano ba naman tong si Honey, bakit naman niya ako gustong magtrabaho sa lugar na may madre?
"Hello po. Good morning" masayang bati ko kay mother.
"Hello, iha. Good morning din sayo" masaya din niyang bati sakin. Nalipat naman ang paningin ni mother sa suot ko.
Nakasuot kasi ako ng maikling short. As in maikli. Tapos nakatube ako na halos lumabas na ang mga alaga kong bundok. Kita cleavage ganern.
Medyo nailang naman ako sa pagtingin niya sakin. Tama ba tong pinuntahan kong lugar?
"May kailangan ka ba iha?"
"Yes, mother" agad kong sagot "uhm...hinahanap ko po kasi si Cheese?" Napansin ko naman ang pagtataka ni mother kaya sinabi ko na lang ang buong pangalan nito "Cheese Villegas po? Yung friend niya kasing si Honey pinapunta ako dito at sabi hanapin ko daw si Cheese. Alam niyo po ba kung saan ko siya pwedeng makita?"
Bahagya naman natawa si mother sakin. Di ko naman alam kung bakit. Katawa tawa ba ang mukha ko? Katawa tawa ba ang suot ko?
"Ibig mo bang sabihin si Reese?"
Awkward akong natawa. Napakamot ako sa tenga ko "Sorry mother. Mahina ako sa pangalan eh. Pero siya nga po hinahanap ko"
Napangiti si mother sakin "halika at dadalhin kita sa kanya"
"Thank you po"
Habang naglalakad ay napapansin ko naman ang mga tingin sakin ng mga nandun. Kung di rin ako nagkakamali, mga alagad sila ng Diyos.
"Good morning, mother" bati nila kay mother.
"Good morning, sisters" bati naman ni mother sa kanila. Oh? Kitams? Tama na naman ang hinala ko. Wait, bakit nga ulit ako andito? Gusto ba ako ni Honey na maging madre? Kasi kung oo, kailangan ko ng umalis dito.
"Hi mother" masyado akong nadistract sa iniisip ko na di ko namalayan na nasa harap namin si Honey.
"Honey!" Sigaw ko na ikinagulat naman nilang dalawa. May mga napatingin din sa di kalayuan.
Napatingin ako kay mother. Humingi ako ng pasensya kasi baka nasira ang eardrums niya sa lakas ng sigaw ko sa pangalan ni Honey.
BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
Short StoryReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.