"Anong klaseng party ba kasi yang pupuntahan mo? At sino si Mr. Ong?" Sunod-sunod na tanong ni Cheese sakin.Andito kasi kami ngayon sa mall. Bibili kasi ako ng damit ko para sa party na pupuntahan ko with Mr. Ong. Nagpumilit naman siya na sumama kahit na ayaw ko sana.
"Party ng mayayaman"
"Who's Mr. Ong?"
"Kliente ko" simpleng sagot ko sa kanya.
"Ang yaman naman ng kliente mo may black card pa na pinadala" komento niya.
"Mayaman talaga" pagsang-ayon ko "sa tingin mo bagay sakin to?" Pinakita ko sa kanya ang nakita kong dress.
"No. Its too revealing" naghanap din siya ng damit para sakin "This one. Mas bagay sayo to" eh? Sure siya yan yung suggest niya na susuotin ko?
"No. I think mas okay to" pakita ko ulit sa isang damit.
"Too sexy"
"Too sexy? Okay naman to ah"
"Hindi yan okay. Eto ang okay" sabay abot niya ng kinuha niyang dress "sige na ifit mo na yan" marahan niya akong itinulak papuntang fitting room.
Napakamot na lang ako ng aking tenga. Bat ba kasi sumama pa siya sakin eh.
Matapos kong magbihis ay chineck ko ang sarili sa salamin "hmm...not bad. Okay tong napili niya" nakarinig naman ako ng katok mula sa labas ng fitting room.
"You done? Let me see" napangiti ako. Naalala ko kasi yung time na nasa batanes kami. She said exactly the same thing.
Lumabas na ako ng fitting room. Napansin ko naman na napatulala siya nang makalabas ako.
"So?"
"Uhm...ahh...well..." first time ko ata siyang nakita na na speechless ah "nice. I mean, wow"
Napangiti ako sa kanya "right? Eto na lang bibilhin ko" agad akong pumasok ulit sa fitting room.
Tumingin-tingin na din ako sa mga heels na pwede kong ipares sa suot kong dress. Nang makabili na ako ay agad na nagyaya si Cheese na kumain na kami kasi nagugutom na daw ang mahal nating reyna.
Dito kami kumain sa isang mamahaling restaurant. Siya kasi ang nagdecide kung saan kami kakain at etong mamahaling restaurant ang napili niya.
"Di naman siguro magagalit yang Mr. Ong mo kung gamitin natin yung black card niya, no?"
"Kaya ba tayo dito kakain kasi alam mong may black card?" Nagkibit lang siya ng kanyang balikat. Mautak din tong isang to eh.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago maserve ang inorder namin sa table.
Tahimik lang kaming dalawa sa pagkain. Nakakapanibago ah. Di man lang siya dumadaldal.
"Ang tahimik mo ata ngayon?" Saglit siyang napaangat ng tingin sakin "May problema ba?"
"Wala. Naweweirduhan lang ako sa sarili ko lately" napakunot ako ng aking noo.
BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
Historia CortaReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.