Confession V

4.5K 200 10
                                    





"Honey?!"






Napangiti si Reese sa akin "hey, bee"





Napakunot ako ng aking noo "bee?"





Nagkibit lang siya ng kanyang balikat "anong ginagawa mo dito? Pano ka napunta dito eh nasa langit na kami"






Natawa naman siya "Anong langit? Nasa himpapawid kamo. Okay ka lang ba?"








"Di nga? Panong nandito ka katabi ko?"






Napangiti ulit si honey sakin "well, nagbook ako ng same flight"







"Bakit?"





"Sabi mo kasi takot kang sumakay ng eroplano kaya nag-alala ako baka kung ano pa mangyari sayo kagaya ngayon" paliwanag niya.








Napangiti naman ako saka kinilig ng konti hehe. Nag-alala kasi daw siya sakin. Buong buhay ko di ko naranasan ang ganyan na may nag-aalala sayo. Even with my own parents di ko naramdaman sa kanila yun. Pero ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam na may taong concern sayo.







"Totoo? Concern ka sakin?"






"Siyempre naman. Boss mo ko kaya dapat lang talaga na mag-alala ako sayo"







Oo nga naman. Boss ko siya. Ibig sabihin responsibilidad niya ako dahil empleyado niya ako. Medyo nakaramdam naman ako ng pagkadismaya sa sinabi niya pero binalewala ko na lang yun.







"Okay ka na ba?" Tinangoan ko siya ng aking ulo "gusto mo bang kumain? Wait..."






Tumayo siya saka nagtungo sa dulo ng eroplano. Nandun na kasi banda ang flight attendant.





Pagbalik niya may dala na siyang pagkain at tubig tsaka juice.







"Kumain ka ng sa ganun di sumama ang pakiramdam mo" sabi niya.







Inasikaso ako ni Honey nung mga oras na yun. Di ko maiwasan na di siya tignan.







Ang caring niya. Kahit ako na di niya masyado pang kilala inaalagaan niya ano pa kaya kung asawa na niya. For sure todo alaga siya. Ang swerte lang din ng asawa niya dahil may maalaga siyang asawa.







"May...dumi ba ako sa mukha?" bigla niyang tanong sakin nang mapansin niya akong nakatitig sa kanya.





Napailing lang ako ng aking ulo.






"Ilang years na kayong kasal ng asawa mo?" Bigla kong tanong sa kanya.





Napatingin siya sakin ng saglit saka nagsalita "one and a half year kaming magjowa and two years na kaming kasal"





Tumango naman ako. Matagal na din pala sila ng loko niyang asawa.






"May anak ba kayo?" Curious kong tanong.






"Unfortunately, no. Wala kaming anak"





"Bakit? I mean matagal na kayong kasal tapos wala man lang kayong anak kahit ni isa?" Tinangoan niya lang ako ng kanyang ulo saka bumuntong ng kanyang hininga.






"Ayaw niya pang magkaanak kami eh" tanging sagot niya.







"Di bale andiyan naman ang mga students mo. For the meantime sila na lang muna yung anak mo" nakangiti kong sabi sa kanya. Napangiti naman siya.






Confession of an EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon