Confession VI

4K 198 14
                                    






"Martin?"







Sinunod ko ang sabi ni Honey na lapitan ang asawa niya.






Naputol naman ang landian nila ng kasama niyang babae. Agad siyang tumingin sakin at bahagyang napalaki ang kanyang mga mata.







"Uhm..."






"Sean. Remember?"






Napangiti naman siya nang maalala na niya ako "Right. Yung nasa coffee shop"






Nginitian ko siya.







"What are you doing here?"







Nandito ako para sa operation kong landiin ka. Actually kasama ko nga asawa mo na ngayon di ko alam kung saan na nagpunta.







"Ah nagbabakasyon lang" taray girl. Tamang bakasyon lang sa batanes.






"What a small world" sabi niya.







"Ikaw? Ano ginagawa mo dito?"








"Business" tangi niyang sagot. Nalipat naman ang tingin ko sa kasama niya na kanina pa ako tinitingnan ng masama.







Juicecolored! Kung makatingin naman tong girlalo na to akala mo siya ang legal. Hoyyy! Alam mo ba na may asawa na tong lalaking kalandian mo. Nahuli pa nga kayo na masayang magkasama. Hay naku kung alam lang talaga ng babaeng to.








"Mukhang may date ka ata ngayon" napatingin naman si martin dun sa kasama niya.








Akward naman siyang ngumiti sakin "ahh...hehe" tanging nasabi niya sabay himas ng batok niya. Pfft! Hindi na nakuntento sa isa, naghanap pa ng iba.








"Anyways, I have to go. May gagawin pa kasi ako" hahanapin ko lang yung asawa mo, gago! "It was nice seeing you here, martin" may pagkaseductive kong sabi.







Umalis na ako dun sa table nila. Dala-dala ko ang tinake-out kong food namin. Agad kong hinanap si honey. Natagpuan ko siya sa mismong entrance ng cafe. Napalingon naman siya sakin nang mapansin niya ako.









"Hey..." palapit na ako sa kanya nang biglang may tumawag sa pangalan ko dahilan para manlaki ang mga mata ni Honey at dali-daling tumalikod at umalis sa kinatatayuan niya. Napatingin naman ako dun sa tumawag sakin mula sa likod.









"Sean..." tawag niya saka ako hinawakan sa braso. Napatingin ako dun dahilan para mapatingin din siya "sorry"








"May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya.






Natawa siya ng bahagya "I need your number"









Tss...







"Sure! Yun lang pala eh" binigay ko ang number ko sa kanya. Nang maibigay ko na ang number ko ay nagpaalam na ako sa kanya "O siya bumalik ka na dun sa date mo. Baka kung ano pa isipin non at patayin pa ako" biro ko.






"Di ko naman kadate yun eh. Remember, business" whatever babaerong manloloko na frog.







Nagpacute naman siya sakin. Eww. Di mo ko madadaan sa ganyan dude. Kung di lang para sa asawa mo never akong lalapit sayo. Oo! Pokpok ako pero di ko ugaling lumandi. Lumalandi lang ako pag nasa trabaho.







Confession of an EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon