Wala si mama nung makarating kami sa apartment.Saan kaya pumupunta yun?
"May gusto ka bang kainin bee?"
"Ikaw..."
Napalaki naman ang mata na nilingon ako ni Cheese "ako?"
"Oo, ikaw. Ano ba gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya.
"Ah...uhm..." napakamot si Cheese ng kanyang buhok "i-ikaw..." I waited for her to continue "ano gusto mong kainin?"
Natawa naman ako sa kanya "ano? Magtatanungan na lang tayo dito?" Napagpasyahan ko na lang na magtungo sa refrigerator namin at icheck kung ano ang pwedeng lutuin dun. Kasalukuyan akong naghahanap ng makakain namin nang biglang nagring ang phone ni Cheese.
"Hey, mom! Napatawag po kayo?" Bati niya sa mommy niya sa kabilang linya.
Nakikinig lang ako sa mga sagot na binibitiwan ni Cheese sa mom niya.
"Tamang-tama. Di pa kami kumakain" napalingon ako sa direksyon ni Cheese. Kasalukuyan na siyang nakatingin sakin saka siya napasmirk ng bahagya "I'm with my girfriend, mom" napalaki naman ang mga mata ko sa kanya saka siya nilapitan. I mouthed her some words like "what are you doing?"
She held up her right hand causing me to stop.
"Okay, mom! Bye" she ended the call with her mother.
"Ano yun?"
Napaangat naman siya ng kanyang ulo "Aalis tayo"
"Saan tayo pupunta? Kakalabas ko lang as detainee sa presinto gala agad?"
"I know you're hungry kaya wag kana tumanggi" sabi niya sakin.
Pumunta kami sa isang restaurant. I wonder kung ano ang ginagawa namin dito.
Hawak-hawak ni Cheese ang kamay ko habang papasok kami sa loob. Nang makarating kami sa isang table ay agad kong binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Agad siyang napalingon sa akin saka ako tiningnan pero agad din naman naputol yun nung tawagin siya ni kuya Rico.
"Sis!" Tawag ni kuya Rico sa kanya. Tumayo si kuya Rico saka siya niyakap.
Napansin ako ni Kuya Rico kaya niyakap din niya ako. Nandun din ang iba niyang kuya including Robin kasama ang dalawang matanda na sa tingin ko ay parents nila.
"Kamusta naman ang prinsesa ko?" Tanong ng isang matandang lalaki.
"Dad!" Excited niyang bati dito "Oh my God! I miss you"
"Hmm! Miss ko din ang prinsesa ko"
Kumalas na sila mula sa pagkakayakap sa isa't isa "oh my baby!" Sambit din ng isang matandang babae sa kanya.
"Mom" nagyakapan silang dalawa. After non ay nag-aya sila na umupo. Napatingin si Cheese sa akin na awkward lang na nakatayo. Nilapitan niya ako saka inilahad ang kanyang kamay.
Napatingin naman ako dun "Bee?" Tawag niya sa akin sa mahinang boses. Napaangat ako ng tingin sa kanya at nang marealize niya na di ko kukunin ang kamay niya ay agad naman niya nitong kinuha saka dinala ako sa isang chair na bakante at agad akong pinaupo.
BINABASA MO ANG
Confession of an Escort
Historia CortaReese believed that her husband is cheating on her with some other girl. So she decided to hire an escort, Sean, to test her husband's loyalty towards her. However, Sean fell in love with Reese.