Confession XV

3.9K 209 22
                                    





"Goodnight, Sean" he kissed me on my cheek na ikinagulat ko naman "See you when I see you"





Nginitian niya ako saka sumakay na ng kotse niya. After kasi niya akong halikan ay napagpasyahan kong umuwi na. Ayokong magtagal dun at wala talaga akong planong magtagal dun.







Akmang papasok na sana ako nang makita ko si Cheese na nakahalukipkip ang mga braso at nakasandal ito sa pintoan ng tinutuluyan naming building.







"Cheese!" I gulped "kanina ka pa diyan?"






Nakatingin lang siya sakin. Nakaramdam naman ako ng nerbyos. Paano kung sampalin niya ako.





Bahagya akong napaatras nang mag-umpisa siyang maglakad papalapit sakin. Akala ko sasampalin niya ako kaya napapikit ako nang makalapit siya.







"Why you're closing your eyes?"




Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata "Akala ko kasi sasampalin mo ko"






Napakunot naman siya ng kanyang noo "why would I do that?"






Nagkibit lang ako ng aking balikat. Nabigla ulit ako nang hawakan niya ako sa kamay saka ako hinatak papasok ng building.







Habang paakyat ng hagdan ay di ko naman maiwasan na di mapatingin sa kamay namin. Napangiti ako. Ang lambot ng kamay niya.






Nagtaka naman ako kung bakit sa kwarto niya ako dinala at hindi sa kwarto ko.








Pinaupo niya ako sa kama saka siya may kinuha sa drawer. Napansin ko naman ang wipes na hawak niya. Pinunasan niya ang pisngi ko dahilan para magtaka ako.






"Saan ka pa niya hinalikan?" Medyo napalaki ang mata ko sa kanya. So kaya pala niya pinunasan ang pisngi ko dahil hinalikan ako ng asawa niya sa part na yun.







"Uhmm...please wag ka magalit sakin"





"Did you kiss him?"





"No! Siya yung humalik sakin!"





"At gumanti ka naman?"





"Hindi naman sana ako gaganti eh..." sabat ko.






"Pero ano? Natempt ka?"







"Hindi! Ang totoo niyan, hinayaan ko siyang halikan ako dahil nacurious ako dun sa sinabi mo"







"At ano naman ang sinabi ko?" Tanong niya.







"Yung about sa lasa ng labi ko..." medyo nahihiya kong sabi.






"Dahil dun hinalikan mo siya?"






"Eh kung sinabi mo lang sana sakin kung ano yung lasa edi sana di ako nahalikan ng asawa mo" sabi ko sa kanya.






"So kasalanan ko pa ganun?"







"Wala akong sinasabing ganun"







"Pwede mo naman akong tanungin ah" sabat niya.







"Anong pwede? Tinanong kaya kita pero anong sinagot mo? Secret!" Pagtataray ko.







"Anong secret? Hindi ba sinabi ko sayo na it taste exactly like my favorite? Hindi mo ba nagets yun?" Nakahawak ang isang kamay niya sa bewang.






Confession of an EscortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon